Skip to content
Church.wiki
Luke

Luke 3

Ang Dating Biblia (1905)

Translation: TAGALOG
Start reading

1Nang ikalabinglimang taon nga ng paghahari ni Tiberio Cesar, na noo'y gobernador sa Judea si Poncio Pilato, at tetrarka sa Galilea si Herodes, at ang kaniyang kapatid na si Felipe ay tetrarka sa lalawigan ng Iturea at Traconite, at si Lisanias ay tetrarka sa Abilinia,Select Luke 3:1

2Nang kasalukuyang mga pangulong saserdote si Anas at si Caifas, ay dumating ang salita ng Dios kay Juan, anak ni Zacarias, sa ilang.Select Luke 3:2

3At siya'y napasa buong lupain sa palibotlibot ng Jordan, na ipinangangaral ang bautismo ng pagsisisi sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan;Select Luke 3:3

4Gaya ng nasusulat sa aklat ng salita ng propeta Isaias, Ang tinig ng isang sumisigaw sa ilang, Ihanda ninyo ang daan ng Panginoon, Tuwirin ninyo ang kaniyang mga landas.Select Luke 3:4

5Lahat ng libis ay tatambakan, At pababain ang bawa't bundok at burol; At ang liko ay matutuwid, At ang mga daang bakobako ay mangapapatag;Select Luke 3:5

6At makikita ng lahat ng laman ang pagliligtas ng Dios.Select Luke 3:6

7Sinasabi nga niya sa mga karamihang nagsisilabas upang mangagpabautismo sa kaniya, Kayong lahi ng mga ulupong, sino ang sa inyo'y nagudyok upang tumakas sa galit na darating?Select Luke 3:7

8Kayo nga'y mangagbunga ng karapatdapat sa pagsisisi, at huwag mangagpasimulang mangagsabi sa inyong sarili, Si Abraham ang siya naming ama; sapagka't sinasabi ko sa inyo, na makapagpapabangon ang Dios ng mga anak ni Abraham maging sa mga batong ito.Select Luke 3:8

9At ngayon pa'y nakalagay na ang palakol sa ugat ng mga punong kahoy: ang bawa't punong kahoy nga na di nagbubunga ng mabuti ay pinuputol, at inihahagis sa apoy.Select Luke 3:9

10At tinanong siya ng karamihan, na nangagsasabi, Ano ngang dapat namin gawin?Select Luke 3:10

11At sinagot niya at sinabi sa kanila, Ang may dalawang tunika ay magbahagi sa wala; at ang may pagkain ay gayon din ang gawin.Select Luke 3:11

12At dumating naman ang mga maniningil ng buwis upang mangagpabautismo, at sinabi nila sa kaniya, Guro, anong dapat naming gawin?Select Luke 3:12

13At sinabi niya sa kanila, Huwag na kayong sumingil pa ng higit kay sa utos sa inyo.Select Luke 3:13

14At tinanong naman siya ng mga kawal, na nangagsasabi, At kami, anong dapat naming gawin? At sa kanila'y sinabi niya, Huwag kayong kumuhang may karahasan sa kanino man, ni mangagparatang; at mangagkasiya kayo sa bayad sa inyo.Select Luke 3:14

15At samantalang ang mga tao'y nagsisipaghintay at pinagbubulaybulay ng lahat sa kanilang puso ang tungkol kay Juan, kung siya kaya ang Cristo;Select Luke 3:15

16Ay sumagot si Juan na sinasabi sa kanilang lahat, Katotohanang binabautismuhan ko kayo ng tubig; datapuwa't dumarating ang lalong makapangyarihan kay sa akin; ako'y hindi karapatdapat magkalag ng panali ng kaniyang mga pangyapak: kayo'y babautismuhan niya sa Espiritu Santo at sa apoy:Select Luke 3:16

17Nasa kaniyang kamay ang kaniyang kalaykay, upang linising lubos ang kaniyang giikan, at tipunin ang trigo sa kaniyang bangan; datapuwa't susunugin niya ang dayami sa apoy na hindi mapapatay.Select Luke 3:17

18Sa mga iba pang maraming pangaral ay ipinangangaral nga niya sa bayan ang mabuting balita;Select Luke 3:18

19Datapuwa't si Herodes na tetrarka, palibhasa'y pinagwikaan niya dahil kay Herodias, na asawa ng kaniyang kapatid, at dahil sa lahat ng masasamang bagay na ginawa ni Herodes,Select Luke 3:19

20Ay naparagdag naman ito sa lahat, na kinulong niya si Juan sa bilangguan.Select Luke 3:20

21Nangyari nga, nang mabautismuhan ang buong bayan, na si Jesus ay binautismuhan naman, at nang nananalangin, ay nabuksan ang langit,Select Luke 3:21

22At bumaba sa kaniya ang Espiritu Santo na may anyong katawan, tulad sa isang kalapati, at nanggaling ang isang tinig sa langit, Ikaw ang sinisinta kong Anak; sa iyo ako lubos na nalulugod.Select Luke 3:22

23At si Jesus din, nang magpasimula siyang magturo ay may gulang na tatlongpung taon, na anak (ayon sa sinasapantaha) ni Jose, ni Eli,Select Luke 3:23

24Ni Matat, ni Levi, ni Melqui, ni Jane, ni Jose,Select Luke 3:24

25Ni Matatias, ni Amos, ni Nahum, ni Esli, ni Nage,Select Luke 3:25

26Ni Maat, ni Matatias, ni Semei, ni Jose, ni Juda,Select Luke 3:26

27Ni Joana, ni Resa, ni Zorobabel, ni Seatiel, ni Neri,Select Luke 3:27

28Ni Melqui, ni Adi, ni Cosam, ni Elmodam, ni Er,Select Luke 3:28

29Ni Jesus, ni Eliezer, ni Jorim, ni Mata, ni Levi,Select Luke 3:29

30Ni Simeon, ni Juda, ni Jose, ni Jonan, ni Eliaquim,Select Luke 3:30

31Ni Melea, ni Mena, ni Matata, ni Natan, ni David,Select Luke 3:31

32Ni Jesse, ni Obed, ni Booz, ni Salmon, ni Naason,Select Luke 3:32

33Ni Aminadab, ni Aram, ni Esrom, ni Fares, ni Juda,Select Luke 3:33

34Ni Jacob, ni Isaac, ni Abraham, ni Tare, ni Nacor,Select Luke 3:34

35Ni Serug, ni Regan, ni Paleg, ni Heber, ni Selah,Select Luke 3:35

36Ni Cainan, ni Arfaxjad, ni Sem, ni Noe, ni Lamec,Select Luke 3:36

37Ni Matusalem, ni Enoc, ni Jared, ni Mahalaleel, ni Cainan,Select Luke 3:37

38Ni Enos, ni Set, ni Adam, ng Dios.Select Luke 3:38

Next: Luke 4Continue reading

Ang Dating Biblia (1905) (TAGALOG) · Public Domain

Reading settings

Choose a passage

Old Testament

New Testament

Luke

Selected verses

Tap another verse to select a range.

Highlight

My Bible

Listen

Uses an English voice provided by your browser.