1 Timothy 2
Ang Dating Biblia (1905)
Translation: TAGALOG
1Una-una nga sa lahat ng mga bagay, ay iniaaral ko na manaing, manalangin, mamagitan, at magpasalamat na patungkol sa lahat ng mga tao;Select 1 Timothy 2:1
2Ang mga hari at ang lahat ng nangasa mataas na kalagayan; upang tayo'y mangabuhay na tahimik at payapa sa buong kabanalan at kahusayan.Select 1 Timothy 2:2
3Ito'y mabuti at nakalulugod sa paningin ng Dios na ating Tagapagligtas;Select 1 Timothy 2:3
4Na siyang may ibig na ang lahat ng mga tao'y mangaligtas, at mangakaalam ng katotohanan.Select 1 Timothy 2:4
5Sapagka't may isang Dios at may isang Tagapamagitan sa Dios at sa mga tao, ang taong si Cristo Jesus,Select 1 Timothy 2:5
6Na ibinigay ang kaniyang sarili na pangtubos sa lahat; na pagpapatotoong mahahayag sa sariling kapanahunan;Select 1 Timothy 2:6
7Na dito'y itinalaga ako na tagapangaral at apostol (sinasabi ko ang katotohanan, hindi ako nagsisinungaling), guro sa mga Gentil sa pananampalataya at katotohanan.Select 1 Timothy 2:7
8Ibig ko ngang ang mga tao'y magsipanalangin sa bawa't dako, na iunat ang mga kamay na banal, na walang galit at pakikipagtalo.Select 1 Timothy 2:8
9Gayon din naman, na ang mga babae ay magsigayak ng mahinhing damit na may katimtiman at hinahon; hindi ng mahalagang hiyas ng buhok, at ginto o perlas o damit na mahalaga;Select 1 Timothy 2:9
10Kundi (siyang nararapat sa mga babae na magpakabanal) sa pamamagitan ng mabubuting gawa.Select 1 Timothy 2:10
11Ang babae'y magaral na tumahimik na may buong pagkapasakop.Select 1 Timothy 2:11
12Nguni't hindi ko ipinahihintulot na ang babae ay magturo, ni magkaroon ng pamumuno sa lalake, kundi tumahimik.Select 1 Timothy 2:12
13Sapagka't si Adam ay siyang unang nilalang, saka si Eva;Select 1 Timothy 2:13
14At si Adam ay hindi nadaya, kundi ang babae nang madaya ay nahulog sa pagsalangsang;Select 1 Timothy 2:14
15Nguni't ililigtas siya sa pamamagitan ng panganganak, kung sila'y magsisipamalagi sa pananampalataya at pagibig at sa pagpapakabanal na may hinahon.Select 1 Timothy 2:15
Ang Dating Biblia (1905) (TAGALOG) · Public Domain