Skip to content
Church.wiki

Zechariah Chapter 12 Ang Dating Biblia (1905)

Minor prophets · Zechariah · Ang Dating Biblia (1905) · 14 verses

Verse layout
📝 Overview of this chapter Flow, key verses and people

스가랴 12장은 '그 날'에 예루살렘을 치러 모인 열국을 여호와가 물리치고 유다와 예루살렘을 지킨다는 예언이다. 또 여호와가 다윗의 집에 은총과 간구하는 심령을 부어 주어, 백성이 찔린 이를 바라보며 크게 애통한다고 말한다.

Jump to verse

12Zechariah · Ang Dating Biblia (1905)
1Ang hula na salita ng Panginoon tungkol sa Israel. Ganito ang sabi ng Panginoon, na naguunat ng langit, at naglalagay ng mga patibayan ng lupa, at naglalang ng diwa sa loob ng tao:
2Narito, aking gagawin ang Jerusalem na isang tazang panglito sa lahat ng bayan sa palibot, at sa Juda man ay magiging gayon sa pagkubkob laban sa Jerusalem.
3At mangyayari sa araw na yaon, na aking gagawin ang Jerusalem na isang batong mabigat sa lahat ng bayan; lahat ng magsipasan sa kaniya ay mangasusugatang mainam; at ang lahat na bansa sa lupa ay magpipisan laban sa kaniya.
4Sa araw na yaon, sabi ng Panginoon, aking tutuligin ang bawa't kabayo, at ang kaniyang sakay ng pagkaulol; at aking ididilat ang aking mga mata sa sangbahayan ni Juda, at aking bubulagin ang bawa't kabayo ng mga bayan.
5At ang mga pinakapuno sa Juda ay mangagsasabi sa sarili, Ang mga nananahan sa Jerusalem ay aking kalakasan sa Panginoon ng mga hukbo na kanilang Dios.
6Sa araw na yao'y gagawin kong parang kawali ng apoy sa panggatong ang mga pinakapuno sa Juda at parang sulo na apoy sa gitna ng mga bigkis; at kanilang sasakmalin ang buong bayan sa palibot, sa kanan at sa kaliwa; at ang Jerusalem ay tatahan pa uli sa kaniyang sariling dako, sa makatuwid bagay sa Jerusalem.
7Ililigtas naman na una ng Panginoon ang mga tolda ng Juda, upang ang kaluwalhatian ng sangbahayan ni David at ang kaluwalhatian ng mga mananahan sa Jerusalem ay huwag magmalaki sa Juda.
8Sa araw na yaon ay ipagsasanggalang ng Panginoon ang mga mananahan sa Jerusalem, at siyang mahina sa kanila sa araw na yaon ay magiging gaya ni David; at ang sangbahayan ni David ay magiging parang Dios, parang anghel ng Panginoon sa harap nila.
9At mangyayari sa araw na yaon, na aking pagsisikapang gibain ang lahat na bansa na naparoroon laban sa Jerusalem.
10At aking bubuhusan ang sangbahayan ni David, at ang mga mananahan sa Jerusalem, ng espiritu ng biyaya at ng daing; at sila'y magsisitingin sa akin na kanilang pinalagpasan: at kanilang tatangisan siya, na gaya ng pagtangis sa bugtong na anak, at magiging kapanglawan sa kaniya, na parang kapanglawan sa kaniyang panganay. Notes
11Sa araw na yaon ay magkakaroon ng malaking pagtangis sa Jerusalem, na gaya ng pagtangis kay Adad-rimon sa libis ng Megiddo.
12At ang lupain ay tatangis, bawa't angkan ay bukod; ang angkan ng sangbahayan ni David ay bukod, at ang kanilang mga asawa ay bukod; ang angkan ng sangbahayan ni Nathan ay bukod, at ang kanilang mga asawa ay bukod;
13Ang angkan ng sangbahayan ni Levi ay bukod, at ang kanilang mga asawa ay bukod; ang angkan ni Simei ay bukod, at ang kanilang mga asawa ay bukod;
14Ang lahat na angkang nalabi, bawa't angkan ay bukod, at ang kanilang mga asawa ay bukod.

Ang Dating Biblia (1905)
Tap a verse to copy, share, highlight or add a note. Dotted words link to encyclopedia articles.

14 verses in this chapter
12 / 14 chapters

The text is Ang Dating Biblia (1905)(타갈로그어) — From getbible.net (CrossWire SWORD module) · license: 공개 도메인 (Public Domain) Highlights, notes and read marks stay with the chapter whichever version you read. Dotted words are people, places and terms that have an encyclopedia article (marked once per page). Highlights, notes and read marks are saved only in this browser and gathered under My marks.

Verse commentaries for this chapter 1

Articles mentioning this chapter

More