Skip to content
Church.wiki

Psalms Psalm 108 Ang Dating Biblia (1905)

Poetry & wisdom · Psalms · Ang Dating Biblia (1905) · 13 verses

Verse layout
📝 Overview of this psalm Flow, key verses and people

시편 108편은 다윗의 찬송 시로, 새벽을 깨우는 찬양으로 시작해 하나님이 땅과 주변 민족을 다스리신다는 약속을 붙들고 도움을 구하는 시다. 시편 57편과 60편의 일부를 이어 놓은 형태다.

Jump to verse

108Psalms · Ang Dating Biblia (1905)
1Ang aking puso'y matatag, Oh Dios; ako'y aawit, oo, ako'y aawit ng mga pagpuri, ng aking kaluwalhatian.
2Kayo'y gumising, salterio at alpa: ako ma'y gigising na maaga.
3Ako'y magpapasalamat sa iyo, Oh Panginoon, sa gitna ng mga bayan: at ako'y aawit ng mga pagpuri sa iyo sa gitna ng mga bansa.
4Sapagka't ang iyong kagandahang-loob ay dakila sa itaas sa mga langit, at ang iyong katotohanan ay umaabot sa mga alapaap.
5Mabunyi ka, Oh Dios, sa itaas sa mga langit: at ang iyong kaluwalhatian sa ibabaw ng buong lupa.
6Upang ang iyong minamahal ay maligtas, magligtas ka ng iyong kanan, at sagutin mo kami.
7Nagsalita ang Dios sa kaniyang kabanalan; ako'y magsasaya: aking hahatiin ang Sichem, at susukatin ko ang libis ng Sucoth.
8Galaad ay akin; Manases ay akin; ang Ephraim naman ay sanggalang ng aking ulo: Juda'y aking cetro.
9Moab ay aking hugasan; sa Edom ay ihahagis ko ang aking panyapak: sa Filistia ay hihiyaw ako.
10Sinong magpapasok sa akin sa bayang nakukutaan? Sinong papatnubay sa akin hanggang sa Edom?
11Hindi ba ikaw Oh Dios na nagtakuwil sa amin, at hindi lumalabas, Oh Dios, na kasama ng aming mga hukbo?
12Gawaran mo kami ng tulong laban sa kaaway; sapagka't walang kabuluhan ang tulong ng tao.
13Sa tulong ng Dios ay gagawa kaming may katapangan: sapagka't siya ang yayapak sa aming mga kaaway.

Ang Dating Biblia (1905)
Tap a verse to copy, share, highlight or add a note. Dotted words link to encyclopedia articles.

13 verses in this psalm
108 / 150 psalms

The text is Ang Dating Biblia (1905)(타갈로그어) — From getbible.net (CrossWire SWORD module) · license: 공개 도메인 (Public Domain) Highlights, notes and read marks stay with the chapter whichever version you read. Dotted words are people, places and terms that have an encyclopedia article (marked once per page). Highlights, notes and read marks are saved only in this browser and gathered under My marks.

More