Skip to content
Church.wiki

Psalms Psalm 58 Ang Dating Biblia (1905)

Poetry & wisdom · Psalms · Ang Dating Biblia (1905) · 11 verses

Verse layout
📝 Overview of this psalm Flow, key verses and people

시편 58편은 다윗의 믹담 시로, 불의하게 재판하는 자들을 꾸짖고 하나님께 악인을 꺾어 달라고 구하며, 땅에서 심판하시는 하나님이 계심을 고백하는 11절의 탄원시다.

Jump to verse

58Psalms · Ang Dating Biblia (1905)
1Tunay bang kayo'y nangagsasalita ng katuwiran Oh kayong mga makapangyarihan? Nagsisihatol ba kayo ng matuwid, Oh kayong mga anak ng mga tao?
2Oo, sa puso ay nagsisigawa kayo ng kasamaan; inyong tinitimbang ang pangdadahas ng inyong mga kamay sa lupa.
3Ang masama ay naliligaw mula sa bahay-bata: sila'y naliligaw pagkapanganak sa kanila, na nagsasalita ng mga kasinungalingan. Notes
4Ang kanilang kamandag ay parang kamandag ng ahas: sila'y gaya ng binging ahas na nagtatakip ng kaniyang pakinig;
5At hindi nakakarinig ng tinig ng mga enkantador, na kailan man ay hindi umeenkanto ng gayon na may karunungan.
6Iyong bungalin ang kanilang mga ngipin, Oh Dios, sa kanilang bibig: iyong bungalin ang mga malaking ngipin ng mga batang leon, Oh Panginoon.
7Mangatunaw nawa silang parang tubig na umaagos: pagka inihilagpos niya ang kaniyang mga palaso, maging gaya nawa ng nangaluray.
8Maging gaya nawa ng laman ng laman ng suso na natutunaw at napapawi: na gaya ng naagas sa babae na hindi nakakita ng araw.
9Bago makaramdam ang inyong mga palyok ng mga dawag na panggatong, kaniyang kukunin ang mga yaon ng ipoipo, ang sariwa at gayon din ang nagniningas.
10Magagalak ang matuwid pagka nakita niya ang higanti: kaniyang huhugasan ang kaniyang mga paa sa dugo ng masama.
11Na anopa't sasabihin ng mga tao, Katotohanang may kagantihan sa matuwid: katotohanang may Dios na humahatol sa lupa.

Ang Dating Biblia (1905)
Tap a verse to copy, share, highlight or add a note. Dotted words link to encyclopedia articles.

11 verses in this psalm
58 / 150 psalms

The text is Ang Dating Biblia (1905)(타갈로그어) — From getbible.net (CrossWire SWORD module) · license: 공개 도메인 (Public Domain) Highlights, notes and read marks stay with the chapter whichever version you read. Dotted words are people, places and terms that have an encyclopedia article (marked once per page). Highlights, notes and read marks are saved only in this browser and gathered under My marks.

Verse commentaries for this psalm 1

Articles mentioning this psalm

More