Skip to content
Church.wiki

Psalms Psalm 61 Ang Dating Biblia (1905)

Poetry & wisdom · Psalms · Ang Dating Biblia (1905) · 8 verses

Verse layout
📝 Overview of this psalm Flow, key verses and people

시편 61편은 마음이 눌린 시인이 땅 끝에서 하나님께 부르짖으며 피난처를 구하고, 왕의 장수를 빌며 날마다 서원을 이행하겠다고 고백하는 8절의 기도시이다.

Jump to verse

61Psalms · Ang Dating Biblia (1905)
1Dinggin mo ang aking daing, Oh Dios; pakinggan mo ang aking dalangin.
2Mula sa wakas ng lupa ay tatawag ako sa iyo, pagka nanglupaypay ang aking puso: patnubayan mo ako sa malaking bato na lalong mataas kay sa akin.
3Sapagka't ikaw ay naging aking kanlungan, matibay na moog sa kaaway.
4Ako'y tatahan sa iyong tabernakulo magpakailan man: ako'y manganganlong sa lilim ng iyong mga pakpak. (Selah)
5Sapagka't dininig mo, Oh Dios, ang aking mga panata: ibinigay mo ang mana sa nangatatakot sa iyong pangalan.
6Iyong pahahabain ang buhay ng hari: Ang kaniyang mga taon ay magiging parang malaong panahon.
7Siya'y tatahan sa harap ng Dios magpakailan man: Oh maghanda ka ng kagandahang-loob at katotohanan, upang mapalagi siya.
8Sa gayo'y aawit ako ng pagpuri sa iyong pangalan magpakailan man. Upang maisagawa ko araw-araw ang aking mga panata.

Ang Dating Biblia (1905)
Tap a verse to copy, share, highlight or add a note. Dotted words link to encyclopedia articles.

8 verses in this psalm
61 / 150 psalms

The text is Ang Dating Biblia (1905)(타갈로그어) — From getbible.net (CrossWire SWORD module) · license: 공개 도메인 (Public Domain) Highlights, notes and read marks stay with the chapter whichever version you read. Dotted words are people, places and terms that have an encyclopedia article (marked once per page). Highlights, notes and read marks are saved only in this browser and gathered under My marks.

More