Skip to content
Church.wiki

Psalms Psalm 85 Ang Dating Biblia (1905)

Poetry & wisdom · Psalms · Ang Dating Biblia (1905) · 13 verses

Verse layout
📝 Overview of this psalm Flow, key verses and people

시편 85편은 과거에 포로를 돌아오게 하신 은혜를 돌아보며 다시 살려 달라고 간구하고, 인애와 진리, 의와 화평이 만나는 회복을 그리는 고라 자손의 시이다.

Jump to verse

85Psalms · Ang Dating Biblia (1905)
1Panginoon, ikaw ay naging lingap sa iyong lupain: iyong ibinalik ang nangabihag ng Jacob.
2Iyong pinatawad ang kasamaan ng iyong bayan, iyong tinakpan ang lahat nilang kasalanan, (Selah)
3Iyong pinawi ang buong poot mo: iyong tinalikdan ang kabangisan ng iyong galit.
4Ibalik mo kami, Oh Dios ng aming kaligtasan, at papaglikatin mo ang iyong galit sa amin.
5Magagalit ka ba sa amin magpakailan man? Iyo bang ipagpapatuloy ang iyong galit sa lahat ng sali't saling lahi?
6Hindi mo ba kami bubuhayin uli: upang ang iyong bayan ay magalak sa iyo?
7Ipakita mo sa amin ang iyong kagandahang-loob, Oh Panginoon, at ipagkaloob mo sa amin ang iyong pagliligtas.
8Aking pakikinggan kung ano ang sasalitain ng Dios na Panginoon: sapagka't siya'y magsasalita ng kapayapaan sa kaniyang bayan at sa kaniyang mga banal: nguni't huwag silang manumbalik uli sa kaululan.
9Tunay na ang kaniyang pagliligtas ay malapit sa kanila na nangatatakot sa kaniya; upang ang kaluwalhatian ay tumahan sa aming lupain.
10Kaawaan at katotohanan ay nagsalubong; katuwiran at kapayapaan ay naghalikan.
11Katotohanan ay bumubukal sa lupa; at ang katuwiran ay tumungo mula sa langit.
12Oo, ibibigay ng Panginoon ang mabuti; at ang ating lupain ay maguunlad ng kaniyang bunga.
13Katuwira'y mangunguna sa kaniya; at gagawing daan ang kaniyang mga bakas.

Ang Dating Biblia (1905)
Tap a verse to copy, share, highlight or add a note. Dotted words link to encyclopedia articles.

13 verses in this psalm
85 / 150 psalms

The text is Ang Dating Biblia (1905)(타갈로그어) — From getbible.net (CrossWire SWORD module) · license: 공개 도메인 (Public Domain) Highlights, notes and read marks stay with the chapter whichever version you read. Dotted words are people, places and terms that have an encyclopedia article (marked once per page). Highlights, notes and read marks are saved only in this browser and gathered under My marks.

Articles mentioning this psalm

More