Skip to content
Church.wiki

Psalms Psalm 97 Ang Dating Biblia (1905)

Poetry & wisdom · Psalms · Ang Dating Biblia (1905) · 12 verses

Verse layout
📝 Overview of this psalm Flow, key verses and people

시편 97편은 "여호와께서 통치하신다"는 선언으로 시작하는 찬양시이다. 불과 번개 가운데 나타나시는 하나님의 위엄, 우상 숭배자의 수치, 의인의 기쁨을 노래한다.

Jump to verse

97Psalms · Ang Dating Biblia (1905)
1Ang Panginoon ay naghahari; magalak ang lupa; matuwa ang karamihan ng mga pulo.
2Mga ulap at kadiliman ay nasa palibot niya: katuwiran at kahatulan ay patibayin ng kaniyang luklukan.
3Apoy ay nagpapauna sa kaniya, at sinusunog ang kaniyang kaaway sa buong palibot.
4Tumatanglaw ang mga kidlat niya sa sanglibutan: nakita ng lupa, at niyanig.
5Ang mga bundok ay natunaw na parang pagkit sa harap ng Panginoon, sa harapan ng Panginoon ng buong lupa.
6Ipinahahayag ng langit ang kaniyang katuwiran, at nakita ng lahat na bayan ang kaniyang kaluwalhatian.
7Mangahiya silang lahat na nangaglilingkod sa mga larawan, nangaghahambog tungkol sa mga diosdiosan: kayo'y magsisamba sa kaniya kayong lahat na mga dios.
8Narinig ng Sion, at natuwa, at ang mga anak na babae ng Juda ay nangagalak; dahil sa iyong mga kahatulan, Oh Panginoon.
9Sapagka't ikaw, Oh Panginoon, ay kataastaasan sa buong lupa: ikaw ay nataas na totoong higit kay sa lahat na mga dios.
10Oh kayong nagsisiibig sa Panginoon, ipagtanim ninyo ang kasamaan. Kaniyang iniingatan ang mga kaluluwa ng kaniyang mga banal; kaniyang iniligtas sila sa kamay ng masama.
11Liwanag ang itinanim na ukol sa mga banal, at kasayahan ay sa may matuwid na puso.
12Mangatuwa kayo sa Panginoon, kayong mga matuwid; at mangagpasalamat sa kaniyang banal na pangalan.

Ang Dating Biblia (1905)
Tap a verse to copy, share, highlight or add a note. Dotted words link to encyclopedia articles.

12 verses in this psalm
97 / 150 psalms

The text is Ang Dating Biblia (1905)(타갈로그어) — From getbible.net (CrossWire SWORD module) · license: 공개 도메인 (Public Domain) Highlights, notes and read marks stay with the chapter whichever version you read. Dotted words are people, places and terms that have an encyclopedia article (marked once per page). Highlights, notes and read marks are saved only in this browser and gathered under My marks.

More