Skip to content
Church.wiki
Ezekiel

Ezekiel 6

Ang Dating Biblia (1905)

Translation: TAGALOG
Start reading

1At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi,Select Ezekiel 6:1

2Anak ng tao, itingin mo ang iyong mukha sa mga bundok ng Israel, at ikaw ay manghula tungkol sa mga yaon.Select Ezekiel 6:2

3At magsabi, Kayong mga bundok ng Israel, pakinggan ang salita ng Panginoong Dios. Ganito ang sabi ng Panginoong Dios sa mga bundok at sa mga burol, sa mga batis at sa mga libis: Narito, ako sa makatuwid baga'y ako, magpaparating ng tabak sa inyo, at aking sisirain ang inyong mga mataas na dako.Select Ezekiel 6:3

4At ang inyong mga dambana ay masisira, at ang inyong mga larawang araw ay mababasag; at aking ibubulagta ang inyong mga patay na tao sa harap ng inyong mga diosdiosan.Select Ezekiel 6:4

5At aking ilalapag ang mga bangkay ng mga anak ni Israel sa harap ng kanilang mga diosdiosan; at aking ikakalat ang inyong mga buto sa palibot ng inyong mga dambana.Select Ezekiel 6:5

6Sa lahat ng inyong mga tahanang dako ay mawawasak ang mga bayan, at ang mga mataas na dako ay mangasisira; upang ang inyong mga dambana ay mangawasak at mangagiba, at ang inyong mga diosdiosan ay mangabasag at mangaglikat, at ang inyong mga larawang araw ay mangabagsak, at ang inyong mga gawa ay mangawawala.Select Ezekiel 6:6

7At ang mga patay ay mangabubuwal sa gitna ninyo, at inyong malalaman na ako ang Panginoon.Select Ezekiel 6:7

8Gayon ma'y magiiwan ako ng nalabi, upang magkaroon sa inyo ng ilan na nakatanan sa tabak sa gitna ng mga bansa, pagka kayo'y mangangalat sa mga lupain.Select Ezekiel 6:8

9At silang nangakatanan sa inyo ay aalalahanin ako sa gitna ng mga bansa na pagdadalhan sa kanilang bihag, kung paanong ako'y nakipagkasira sa kanilang masamang kalooban na humiwalay sa akin, at sa kanilang mga mata, na yumaong sumamba sa kanilang mga diosdiosan; at sila'y magiging kasuklamsuklam sa kanilang sariling paningin dahil sa mga kasamaan na kanilang nagawa sa lahat nilang kasuklamsuklam.Select Ezekiel 6:9

10At kanilang malalaman na ako ang Panginoon: hindi ako nagsalita ng walang kabuluhan na aking gagawin ang kasamaang ito sa kanila.Select Ezekiel 6:10

11Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Saktan mo ng iyong kamay, at sikaran mo ng iyong paa, at iyong sabihin, Sa aba nila! dahil sa lahat na masamang kasuklamsuklam ng sangbahayan ni Israel; sapagka't sila'y mangabubuwal sa pamamagitan ng tabak, ng kagutom, at ng salot.Select Ezekiel 6:11

12Ang malayo ay mamamatay sa salot; at ang malapit ay mabubuwal sa pamamagitan ng tabak; at ang malabi at makubkob ay mamamatay sa pamamagitan ng kagutom: ganito ko gaganapin ang aking kapusukan sa kanila.Select Ezekiel 6:12

13At inyong malalaman na ako ang Panginoon, pagka ang kanilang mga patay na tao ay mangalalagay sa gitna ng kanilang mga diosdiosan sa palibot ng kanilang mga dambana, sa ibabaw ng bawa't mataas na burol, sa lahat na taluktok ng mga bundok, at sa ilalim ng bawa't sariwang punong kahoy, at sa ilalim ng bawa't mayabong na encina, na kanilang pinaghandugan ng masarap na amoy sa lahat nilang diosdiosan.Select Ezekiel 6:13

14At aking iuunat ang kamay ko laban sa kanila, at gagawin kong sira at giba ang lupa, mula sa ilang hanggang sa Diblah, sa lahat nilang tahanan; at kanilang malalaman na ako ang Panginoon.Select Ezekiel 6:14

Next: Ezekiel 7Continue reading

Ang Dating Biblia (1905) (TAGALOG) · Public Domain

Reading settings

Choose a passage

Old Testament

New Testament

Ezekiel

Selected verses

Tap another verse to select a range.

Highlight

My Bible

Listen

Uses an English voice provided by your browser.