6At ang mga ito ang mga anak ni Ehud; ang mga ito ang mga pangulo sa mga sangbahayan ng mga magulang ng mga taga Gabaa, at dinala nila silang bihag sa Manahath.
7At si Naaman, at si Achias, at si Gera, ay kaniyang dinalang bihag; at kaniyang ipinanganak si Uzza at si Ahihud.
8At si Saharaim ay nagkaanak sa parang ng Moab, pagkatapos na kaniyang mapagpaalam sila; si Husim, at si Baara ay ang kaniyang mga asawa.
9At ipinanganak sa kaniya ni Chodes na kaniyang asawa, si Jobab, at si Sibias, at si Mesa, at si Malcham,
10At si Jeus, at si Sochias, at si Mirma. Ang mga ito ang kaniyang mga anak na mga pangulo sa mga sangbahayan ng mga magulang.
11At ipinanganak sa kaniya ni Husim si Abitob, at si Elphaal.
12At ang mga anak ni Elphaal: si Heber, at si Misam, at si Semeb, na siyang nagsipagtayo ng Ono at ng Loth, pati ng mga nayon niyaon:
13At si Berias, at si Sema na mga pangulo sa mga sangbahayan ng mga magulang ng mga taga Ajalon na siyang nangagpatakas sa mga taga Gath;
32At naging anak ni Micloth si Simea. At sila nama'y nagsitahang kasama ng kanilang mga kapatid sa Jerusalem, sa tapat ng kanilang mga kapatid.
33At naging anak ni Ner si Cis; at naging anak ni Cis si Saul; at naging anak ni Saul si Jonathan, at si Malchi-sua, at si Abinadab, at si Esbaal.
34At ang anak ni Jonathan ay si Merib-baal; at naging anak ni Merib-baal si Micha.
35At ang mga anak ni Micha: si Phiton, at si Melech, at si Thaarea, at si Ahaz.
36At naging anak ni Ahaz si Joadda; at naging anak ni Joadda si Alemeth, at si Azmaveth, at si Zimri; at naging anak ni Zimri si Mosa;
37At naging anak ni Mosa si Bina; si Rapha na kaniyang anak, si Elasa na kaniyang anak, si Asel na kaniyang anak:
38At si Asel ay nagkaroon ng anim na anak, na ang mga pangalan ay ito: si Azricam, si Bochru, at si Ismael, at si Searias, at si Obadias, at si Hanan. Lahat ng ito'y ang mga anak ni Asel.
39At ang mga anak ni Esec na kaniyang kapatid: si Ulam na kaniyang panganay, si Jehus na ikalawa, at si Elipheleth na ikatlo.
40At ang mga anak ni Ulam ay mga makapangyarihang lalaking may tapang, na mga mamamana, at nagkaroon ng maraming anak, at mga anak ng mga anak, na isang daan at limangpu. Lahat, ng ito'y ang mga anak ni Benjamin.
Ang Dating Biblia (1905) Tap a verse to copy, share, highlight or add a note. Dotted words link to encyclopedia articles.
40 verses in this chapter
8 / 29 chapters
The text is Ang Dating Biblia (1905)(타갈로그어) — From getbible.net (CrossWire SWORD module) · license: 공개 도메인 (Public Domain) Highlights, notes and read marks stay with the chapter whichever version you read. Dotted words are people, places and terms that have an encyclopedia article (marked once per page). Highlights, notes and read marks are saved only in this browser and gathered under My marks.