Lamentations 3
Tagalog, Ang Dating Biblia (1905)
Translation: TAGALOG
Modern translations such as the NIV or ESV are not available yet. They need a license, and we will add them when one is in place. All translations and their sources
1Ako ang tao na nakakita ng pagdadalamhati sa pamalo ng iyong poot.Select Lamentations 3:1
2Ako'y kaniyang pinatnubayan at pinalakad sa kadiliman, at hindi sa liwanag.Select Lamentations 3:2
3Tunay na laban sa akin ay kaniyang iginagalaw ang kaniyang kamay na muli't muli buong araw.Select Lamentations 3:3
4Ang aking laman at aking balat ay pinatanda niya; kaniyang binali ang aking mga buto.Select Lamentations 3:4
5Ako'y kinalaban niya, at kinulong ako ng hirap at pagdaramdam.Select Lamentations 3:5
6Kaniyang pinatahan ako sa mga madilim na dako, gaya ng nangamatay nang malaon.Select Lamentations 3:6
7Kaniyang binakuran ako na anopa't ako'y hindi makalabas; kaniyang pinabigat ang aking tanikala.Select Lamentations 3:7
8Oo, pagka ako'y dumadaing, at humihinging tulong, kaniyang pinagsasarhan ang aking daing.Select Lamentations 3:8
9Kaniyang binakuran ang aking mga daan ng tinabas na bato, kaniyang iniliko ang aking mga landas.Select Lamentations 3:9
10Siya'y parang oso na nagaabang sa akin, parang leon sa mga kubling dako.Select Lamentations 3:10
11Kaniyang iniligaw ang aking mga lakad, at ako'y pinagwaraywaray niya; kaniyang ipinahamak ako;Select Lamentations 3:11
12Kaniyang iniakma ang kaniyang busog, at ginawa akong pinaka tanda sa pana.Select Lamentations 3:12
13Ang mga pana ng kaniyang lalagyan ng pana ay kaniyang isinasaksak sa aking mga bato ng katawan.Select Lamentations 3:13
14Ako'y naging kakutyaan sa aking buong bayan, at kanilang awit buong araw.Select Lamentations 3:14
15Kaniyang pinuspos ako ng kapanglawan, kaniyang sinuya ako ng ajenjo.Select Lamentations 3:15
16Kaniya namang biningot ang aking mga ngipin ng mga maliliit na grava; kaniyang tinabunan ako ng mga abo.Select Lamentations 3:16
17At iyong inilayo ang aking kaluluwa sa kapayapaan; ako'y nakalimot ng kaginhawahan.Select Lamentations 3:17
18At aking sinabi, Ang lakas ko'y nawala, at ang aking pagasa sa Panginoon.Select Lamentations 3:18
19Alalahanin mo ang aking pagdadalamhati at ang aking karalitaan, ang ajenjo at ng apdo.Select Lamentations 3:19
20Ang kaluluwa ko'y naaalaala pa nila, at napangumbaba sa loob ko.Select Lamentations 3:20
21Ito ang ginugunita ko sa aking pagiisip; kaya't may pagasa ako.Select Lamentations 3:21
22Sa mga kaawaan nga ng Panginoon ay hindi tayo nalipol, sapagka't ang kaniyang mga habag ay hindi nauubos.Select Lamentations 3:22
23Ang mga yao'y bago tuwing umaga, dakila ang inyong pagtatapat.Select Lamentations 3:23
24Ang Panginoon ay aking bahagi, sabi ng aking kaluluwa; kaya't ako'y aasa sa kaniya.Select Lamentations 3:24
25Ang Panginoon ay mabuti sa kanila na nangaghihintay sa kaniya, sa kaluluwa na humahanap sa kaniya.Select Lamentations 3:25
26Mabuti nga na ang tao ay umasa at maghintay na tahimik sa pagliligtas ng Panginoon.Select Lamentations 3:26
27Mabuti nga sa tao na magpasan ng pamatok sa kaniyang kabataan.Select Lamentations 3:27
28Maupo siyang magisa at tumahimik, sapagka't kaniyang iniatang sa kaniya.Select Lamentations 3:28
29Sumubsob siya sa alabok, kung gayo'y magkakaroon siya ng pagasa.Select Lamentations 3:29
30Ibigay niya ang kaniyang pisngi sa sumasakit sa kaniya; mapuspos siya ng kadustaan.Select Lamentations 3:30
31Sapagka't ang Panginoon ay hindi magtatakuwil magpakailan man.Select Lamentations 3:31
32Sapagka't bagaman siya'y nagpapapanglaw, gayon ma'y magpapakita siya ng habag ayon sa kasaganaan ng kaniyang mga kaawaan.Select Lamentations 3:32
33Sapagka't siya'y hindi kusang dumadalamhati, o nagpapapanglaw man sa mga anak ng mga tao.Select Lamentations 3:33
34Na yapakan sa ilalim ng paa ang lahat ng bihag sa lupa.Select Lamentations 3:34
35Na iliko ang matuwid ng tao sa harap ng mukha ng Kataastaasan,Select Lamentations 3:35
36Na iligaw ang tao sa kaniyang usap, hindi kinalulugdan ng Panginoon.Select Lamentations 3:36
37Sino siya na nagsasabi, at nangyayari, kung hindi iniuutos ng Panginoon?Select Lamentations 3:37
38Hindi baga sa bibig ng Kataastaasan nanggagaling ang masama't mabuti?Select Lamentations 3:38
39Bakit dumadaing ang taong may buhay, ang tao dahil sa parusa sa kaniyang mga kasalanan?Select Lamentations 3:39
40Ating usisain at suriin ang ating mga lakad, at manumbalik sa Panginoon.Select Lamentations 3:40
41Igawad natin ang ating puso sangpu ng ating mga kamay sa Dios sa langit.Select Lamentations 3:41
42Kami ay sumalangsang at nanghimagsik; ikaw ay hindi nagpatawad.Select Lamentations 3:42
43Tinakpan mo ang iyong sarili ng galit at hinabol mo kami; ikaw ay pumatay, ikaw ay hindi naawa.Select Lamentations 3:43
44Tinakpan mo ang iyong sarili ng alapaap, na anopa't hindi makadaan ang anomang panalangin.Select Lamentations 3:44
45Iyong ginawa kaming parang tapon at dumi sa gitna ng mga bayan.Select Lamentations 3:45
46Ibinukang maluwang ng lahat naming kaaway ang kanilang bibig laban sa amin.Select Lamentations 3:46
47Takot at ang hukay ay dumating sa amin, ang pagkasira at pagkagiba.Select Lamentations 3:47
48Ang mata ko'y dumadaloy ng mga ilog ng tubig, dahil sa pagkapahamak ng anak na babae ng aking bayan.Select Lamentations 3:48
49Ang mata ko'y dinadaluyan at hindi naglilikat, na walang pagitan.Select Lamentations 3:49
50Hanggang sa ang Panginoon ay tumungo, at tumingin mula sa langit.Select Lamentations 3:50
51Kinikilos ng aking mata ang aking kaluluwa, dahil sa lahat na anak na babae ng aking bayan.Select Lamentations 3:51
52Lubha nila akong hinahabol na parang ibon, na mga kaaway kong walang kadahilanan.Select Lamentations 3:52
53Kanilang pinaikli ang aking buhay sa bilangguan at hinagis ako ng bato.Select Lamentations 3:53
54Tubig ay nagsisihuho sa aking ulo; aking sinabi, Ako'y nahiwalay.Select Lamentations 3:54
55Ako'y tumawag sa iyong pangalan, Oh Panginoon, mula sa kababababaang hukay.Select Lamentations 3:55
56Iyong dininig ang aking tinig; huwag mong ikubli ang iyong pakinig sa aking hingal, sa aking daing.Select Lamentations 3:56
57Ikaw ay lumapit sa araw na ako'y tumawag sa iyo; iyong sinabi, Huwag kang matakot.Select Lamentations 3:57
58Oh Panginoon, iyong ipinagsanggalang ang mga usap ng aking kaluluwa; iyong tinubos ang aking buhay.Select Lamentations 3:58
59Oh Panginoon, iyong nakita ang aking pagkakamali; hatulan mo ang aking usap.Select Lamentations 3:59
60Iyong nakita ang lahat nilang panghihiganti, at ang lahat nilang pasiya laban sa akin.Select Lamentations 3:60
61Iyong narinig ang kanilang pagduwahagi, Oh Panginoon, at lahat nilang pasiya laban sa akin,Select Lamentations 3:61
62Ang mga labi ng nagsisibangon laban sa akin, at ang kanilang pasiya laban sa akin buong araw.Select Lamentations 3:62
63Masdan mo ang kanilang pagupo, at ang kanilang pagtayo; ako ang kanilang awit.Select Lamentations 3:63
64Ikaw ay magbibigay sa kanila ng kagantihan, Oh Panginoon, ayon sa gawa ng kanilang mga kamay.Select Lamentations 3:64
65Iyong papagmamatigasin ang kanilang puso, ang iyong sumpa sa kanila.Select Lamentations 3:65
66Iyong hahabulin sila sa galit, at iyong lilipulin sila mula sa silong ng langit ng Panginoon.Select Lamentations 3:66
Tagalog, Ang Dating Biblia (1905) (TAGALOG). Public domain. Text from the CrossWire Bible Society module. About this translation