Jeremiah 46
Ang Dating Biblia (1905)
Translation: TAGALOG
1Ang salita ng Panginoon na dumating kay Jeremias na propeta tungkol sa mga bansa.Select Jeremiah 46:1
2Tungkol sa Egipto: tungkol sa hukbo ni Faraon Nechao na hari sa Egipto, na nasa tabi ng ilog ng Eufrates sa Carchemis na sinaktan ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia nang ikaapat na taon ni Joacim na anak ni Josias, na hari sa Juda.Select Jeremiah 46:2
3Inyong iayos ang pansalag at kalasag, at kayo'y magsilapit sa pagbabaka.Select Jeremiah 46:3
4Singkawan ninyo ang mga kabayo, at kayo'y magsisakay, kayong mga nangangabayo, at magsitayo kayong mga turbante; pakintabin ninyo ang mga sibat, at mangagsuot kayo ng sapyaw.Select Jeremiah 46:4
5Bakit ko nakita? sila'y nanganglulupaypay at nagsisibalik; at ang kanilang mga makapangyarihan ay buwal, at nagsisitakas na maliksi, at hindi nagsisilingon: kakilabutan ay nasa bawa't dako, sabi ng Panginoon.Select Jeremiah 46:5
6Huwag tumakas ang maliksi, o tumanan man ang makapangyarihan; sa hilagaan sa tabi ng ilog Eufrates ay nangatisod sila at nangabuwal.Select Jeremiah 46:6
7Sino itong bumabangon na parang Nilo na ang mga tubig ay nagiinalong parang mga ilog?Select Jeremiah 46:7
8Ang Egipto ay bumabangong parang Nilo, at ang tubig ay nagiinalong parang mga ilog: at kaniyang sinasabi, Ako'y babangon, aking tatakpan ang lupa; aking ipapahamak ang bayan at ang mga mananahan doon.Select Jeremiah 46:8
9Kayo'y magsisampa, kayong mga kabayo; at kayo'y magsihagibis, kayong mga karo; at magsilabas ang mga lalaking makapangyarihan: ang Cus at ang Phut, na humahawak ng kalasag; at ang mga Ludio, na nagsisihawak at nangagaakma ng busog.Select Jeremiah 46:9
10Sapagka't ang araw na yaon ay sa Panginoon, sa Panginoon ng mga hukbo, araw ng panghihiganti, upang maipanghiganti niya siya sa kaniyang mga kaaway: at ang tabak ay lalamon at mabubusog, at magpapakalango sa dugo nila: sapagka't ang Panginoon, ang Panginoon ng mga hukbo, may hain sa lupaing hilagaan sa tabi ng ilog Eufrates.Select Jeremiah 46:10
11Sumampa ka sa Galaad, at kumuha ka ng balsamo, Oh anak na dalaga ng Egipto: sa walang kabuluhan gumagamit ka ng maraming gamot; hindi ka na gagaling.Select Jeremiah 46:11
12Nabalitaan ng mga bansa ang iyong kahihiyan, at ang lupa ay puno ng iyong hiyaw, sapagka't ang makapangyarihan ay natisod laban sa makapangyarihan, sila'y nangabuwal kapuwa na magkasama.Select Jeremiah 46:12
13Ang salita na sinalita ng Panginoon kay Jeremias na propeta, kung paanong si Nabucodonosor na hari sa Babilonia ay darating, at sasaktan ang lupain ng Egipto.Select Jeremiah 46:13
14Ipahayag ninyo sa Egipto, at inyong ihayag sa Migdol, at inyong ihayag sa Memphis, at sa Taphnes: sabihin ninyo, Tumayo ka, at humanda ka; sapagka't ang tabak ay nanakmal sa palibot mo.Select Jeremiah 46:14
15Bakit ang iyong mga malakas ay napaalis? sila'y hindi nagsitayo, sapagka't itinaboy ng Panginoon.Select Jeremiah 46:15
16Kaniyang itinisod ang marami, oo, sila'y nangabuwal na patongpatong, at kanilang sinabi, Bumangon ka, at magsiparoon tayo uli sa ating sariling bayan, at sa lupain na kinapanganakan sa atin, mula sa mapagpighating tabak.Select Jeremiah 46:16
17Sila'y nagsihiyaw roon, Si Faraong hari sa Egipto ay isang hugong lamang; kaniyang pinaraan ang takdang panahon.Select Jeremiah 46:17
18Buhay ako, sabi ng Hari, na ang pangalan ay Panginoon ng mga hukbo, tunay na kung paano ang Tabor sa gitna ng mga bundok, at kung paano ang Carmel sa tabi ng dagat, gayon siya darating.Select Jeremiah 46:18
19Oh ikaw na anak na babae na tumatahan sa Egipto, gumayak ka sa pagpasok sa pagkabihag; sapagka't ang Memphis ay masisira, at magniningas na mawawalan ng mananahan.Select Jeremiah 46:19
20Ang Egipto ay napakagandang dumalagang baka; nguni't pagkasirang mula sa hilagaan ay dumarating, dumarating.Select Jeremiah 46:20
21Ang kaniya namang mga taong upahan sa gitna niya ay parang mga guya sa kulungan; sapagka't sila man ay nagsibalik, sila'y nagsitakas na magkakasama, sila'y hindi nagsitayo: sapagka't ang kaarawan ng kanilang kasakunaan ay dumating sa kanila, ang panahon ng pagdalaw sa kanila.Select Jeremiah 46:21
22Ang hugong niyaon ay yayaong parang ahas; sapagka't sila'y magsisiyaong kasama ng hukbo, at magsisiparoong laban sa kaniya na mga may palakol, na parang mga mamumutol ng kahoy.Select Jeremiah 46:22
23Kanilang puputulin ang kaniyang gubat, sabi ng Panginoon, bagaman mahirap pasukin; sapagka't sila'y higit kay sa mga balang, at walang bilang.Select Jeremiah 46:23
24Ang anak na babae ng Egipto ay malalagay sa kahihiyan; siya'y mabibigay sa kamay ng bayan ng hilagaan.Select Jeremiah 46:24
25Sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, Narito, aking parurusahan si Amon na taga No, at si Faraon, at ang Egipto, sangpu ng kaniyang mga dios at ng kaniyang mga hari; maging si Faraon, at silang nagsisitiwala sa kaniya:Select Jeremiah 46:25
26At aking ibibigay sila sa kamay ng nagsisiusig ng kanilang mga buhay, at sa kamay ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia, at sa kamay ng kaniyang mga lingkod; at pagkatapos ay tatahanan na gaya ng mga araw nang una, sabi ng Panginoon.Select Jeremiah 46:26
27Nguni't huwag kang matakot, Oh Jacob na aking lingkod, ni manglupaypay ka, Oh Israel: sapagka't narito, ililigtas kita mula sa malayo, at ang iyong lahi ay mula sa lupain ng kanilang pagkabihag; at ang Jacob ay babalik, at magiging tahimik at tiwasay, at walang tatakot sa kaniya.Select Jeremiah 46:27
28Huwag kang matakot, Oh Jacob na aking lingkod, sabi ng Panginoon, sapagka't ako'y sumasaiyo: sapagka't ako'y gagawa ng lubos na kawakasan sa lahat ng bansa na aking pinagtabuyan sa iyo; nguni't hindi ako gagawa ng lubos na kawakasan sa iyo, kundi sasawayin kita ng kahatulan, at hindi kita iiwan sa anomang paraan ng walang kaparusahan.Select Jeremiah 46:28
Ang Dating Biblia (1905) (TAGALOG) · Public Domain