Skip to content
Church.wiki

Jonah Chapter 3 Ang Dating Biblia (1905)

Minor prophets · Jonah · Ang Dating Biblia (1905) · 10 verses

Verse layout
📝 Overview of this chapter Flow, key verses and people

요나서 3장은 하나님의 두 번째 부름을 받은 요나가 니느웨에서 멸망을 선포하자, 왕과 백성이 금식하고 회개하며 하나님이 재앙을 거두시는 장이다.

Jump to verse

3Jonah · Ang Dating Biblia (1905)
1At ang salita ng Panginoon ay dumating kay Jonas na ikalawa, na nagsasabi,
2Bumangon ka, pumaroon ka sa Ninive, sa malaking bayang yaon, at ipangaral mo ang pangaral na aking iniutos sa iyo.
3Sa gayo'y bumangon si Jonas, at naparoon sa Ninive, ayon sa salita ng Panginoon. Ang Ninive nga ay totoong malaking bayan, na tatlong araw na lakarin.
4At pumasok si Jonas sa bayan na may isang araw na gumagala, at siya'y sumigaw, at nagsasabi, Apat na pung araw pa at ang Ninive ay mawawasak.
5At ang bayan ng Ninive ay sumampalataya sa Dios; at sila'y nangaghayag ng ayuno, at nangagsuot ng kayong magaspang, mula sa kadakidakilaan sa kanila hanggang sa kaliitliitan sa kanila.
6At ang mga balita ay dumating sa hari sa Ninive, at siya'y tumindig sa kaniyang luklukan, at hinubad niya ang kaniyang balabal, at nagbalot siya ng kayong magaspang, at naupo sa mga abo.
7At kaniyang inihayag at itinanyag sa buong Ninive sa pasiya ng hari at ng kaniyang mga mahal na tao, na sinasabi, Huwag lumasa maging tao ni hayop man, bakahan ni kawan man, ng anomang bagay: huwag silang magsikain, ni magsiinom man ng tubig;
8Kundi mangagbalot sila ng kayong magaspang, ang tao at gayon din ang hayop, at magsidaing silang mainam sa Dios: oo, talikdan ng bawa't isa ang kaniyang masamang lakad, at ang pangdadahas na nasa kanilang mga kamay.
9Sino ang nakaaalam kung manumbalik ang Dios at magsisisi, at hihiwalay sa kaniyang mabangis na galit, upang tayo'y huwag mangamatay.
10At nakita ng Dios ang kanilang mga gawa, na sila'y nagsihiwalay sa kanilang masamang lakad; at nagsisi ang Dios sa kasamaan, na kaniyang sinabing kaniyang gagawin sa kanila; at hindi niya ginawa. Notes

Ang Dating Biblia (1905)
Tap a verse to copy, share, highlight or add a note. Dotted words link to encyclopedia articles.

10 verses in this chapter
3 / 4 chapters

The text is Ang Dating Biblia (1905)(타갈로그어) — From getbible.net (CrossWire SWORD module) · license: 공개 도메인 (Public Domain) Highlights, notes and read marks stay with the chapter whichever version you read. Dotted words are people, places and terms that have an encyclopedia article (marked once per page). Highlights, notes and read marks are saved only in this browser and gathered under My marks.

Verse commentaries for this chapter 1

Articles mentioning this chapter

More