Skip to content
Church.wiki

Job Chapter 40 Ang Dating Biblia (1905)

Poetry & wisdom · Job · Ang Dating Biblia (1905) · 24 verses

Verse layout
📝 Overview of this chapter Flow, key verses and people

욥기 40장은 하나님의 첫 말씀에 대한 욥의 짧은 대답과, 폭풍 가운데서 다시 시작되는 하나님의 두 번째 말씀을 담은 장이다. 하나님은 욥에게 세상을 다스릴 수 있는지 묻고, 거대한 짐승 베헤못(개역한글 '하마')을 보라고 하신다.

Jump to verse

40Job · Ang Dating Biblia (1905)
1Bukod dito'y sumagot ang Panginoon kay Job, at nagsabi,
2Magmamatapang ba siya na makipagtalo sa Makapangyarihan sa lahat? Siyang nakikipagkatuwiranan sa Dios, ay sagutin niya ito.
3Nang magkagayo'y sumagot si Job sa Panginoon, at nagsabi,
4Narito, ako'y walang kabuluhan; anong isasagot ko sa iyo? Aking inilalagay ang aking kamay sa aking bibig,
5Minsan ay nagsalita ako, at hindi ako sasagot: Oo, makalawa, nguni't hindi ako magpapatuloy.
6Nang magkagayo'y sumagot ang Panginoon kay Job mula sa ipoipo, at nagsabi,
7Magbigkis ka ng iyong mga balakang ngayon na parang lalake: ako'y magtatanong sa iyo at magpahayag ka sa akin.
8Iyo bang wawaling kabuluhan ang aking kahatulan? Iyo bang hahatulan ako, upang ikaw ay ariing ganap?
9O mayroon ka bang kamay na parang Dios? At makakukulog ka ba ng tinig na gaya niya?
10Magpakagayak ka ngayon ng karilagan at karapatan; at magbihis ka ng karangalan at kalakhan.
11Ibugso mo ang mga alab ng iyong galit: at tunghan mo ang bawa't palalo, at abain mo siya.
12Masdan mo ang bawa't palalo, at papangumbabain mo siya; at iyong tungtungan ang masama sa kaniyang tayuan.
13Ikubli mo sila sa alabok na magkakasama; talian mo ang kanilang mukha sa lihim na dako.
14Kung magkagayo'y ipahayag naman kita; na maililigtas ka ng iyong kanan.
15Narito ngayon, ang hayop na behemot na aking ginawang kasama mo: siya'y kumakain ng damo na gaya ng baka.
16Narito, ngayon, ang kaniyang lakas ay nasa kaniyang mga balakang, at ang kaniyang kalakasan ay nasa kalamnan ng kaniyang tiyan.
17Kaniyang iginagalaw ang kaniyang buntot na parang isang cedro: ang mga litid ng kaniyang mga hita ay nangagkakasabiran.
18Ang kaniyang mga buto ay parang mga tubong tanso; ang kaniyang mga paa ay parang mga halang na bakal.
19Siya ang pinakapangulo sa mga daan ng Dios: ang lumalang sa kaniya, ang makapaglalapit lamang ng tabak sa kaniya.
20Tunay na ang mga bundok ay naglalabas sa kaniya ng pagkain; na pinaglalaruan ng lahat ng mga hayop sa parang.
21Siya'y humihiga sa ilalim ng punong loto, sa puwang ng mga tambo, at mga lumbak.
22Nilililiman siya ng mga puno ng loto ng kanilang lilim; nililigid sa palibot ng mga sauce sa batis.
23Narito, kung bumubugso ang isang ilog hindi nanginginig: siya'y tiwasay bagaman umapaw ang Jordan hanggang sa kaniyang bunganga.
24May kukuha ba sa kaniya pag siya'y natatanod, o may tutuhog ba ng kaniyang ilong sa pamamagitan ng isang silo.

Ang Dating Biblia (1905)
Tap a verse to copy, share, highlight or add a note. Dotted words link to encyclopedia articles.

24 verses in this chapter
40 / 42 chapters

The text is Ang Dating Biblia (1905)(타갈로그어) — From getbible.net (CrossWire SWORD module) · license: 공개 도메인 (Public Domain) Highlights, notes and read marks stay with the chapter whichever version you read. Dotted words are people, places and terms that have an encyclopedia article (marked once per page). Highlights, notes and read marks are saved only in this browser and gathered under My marks.

Articles mentioning this chapter

More