Skip to content
Church.wiki

Isaiah Chapter 12 Ang Dating Biblia (1905)

Major prophets · Isaiah · Ang Dating Biblia (1905) · 6 verses

Verse layout
📝 Overview of this chapter Flow, key verses and people

이사야 12장은 이사야서 1~12장 단락을 마무리하는 짧은 찬양시이다. "그 날"에 구원받은 백성이 하나님의 위로에 감사하고, 그분의 이름을 온 세계에 알리라고 노래한다.

Jump to verse

12Isaiah · Ang Dating Biblia (1905)
1At sa araw na yaon ay iyong sasabihin, Ako'y pasasalamat sa iyo, Oh Panginoon; sapagka't bagaman ikaw ay nagalit sa akin ang iyong galit ay napawi, at iyong inaaliw ako.
2Narito, Dios ay aking kaligtasan; ako'y titiwala, at hindi ako matatakot: sapagka't ang Panginoon si Jehova ay aking kalakasan at awit; at siya'y naging aking kaligtasan.
3Kaya't kayo'y iigib ng tubig na may kagalakan sa mga balon ng kaligtasan.
4At sa araw na yao'y inyong sasabihin, Mangagpasalamat kayo sa Panginoon, kayo'y magsitawag sa kaniyang pangalan, ipahayag ninyo ang kaniyang mga gawa sa mga bayan, sabihin ninyo na ang kaniyang pangalan ay marangal.
5Magsiawit kayo sa Panginoon; sapagka't siya'y gumawa ng mga marilag na bagay: ipaalam ito sa buong lupa.
6Humiyaw ka ng malakas at sumigaw ka, ikaw na nananahan sa Sion: sapagka't dakila ang Banal ng Israel sa gitna mo.

Ang Dating Biblia (1905)
Tap a verse to copy, share, highlight or add a note. Dotted words link to encyclopedia articles.

6 verses in this chapter
12 / 66 chapters

The text is Ang Dating Biblia (1905)(타갈로그어) — From getbible.net (CrossWire SWORD module) · license: 공개 도메인 (Public Domain) Highlights, notes and read marks stay with the chapter whichever version you read. Dotted words are people, places and terms that have an encyclopedia article (marked once per page). Highlights, notes and read marks are saved only in this browser and gathered under My marks.

Articles mentioning this chapter

More