Skip to content
Church.wiki
Genesis

Genesis 17

Ang Dating Biblia (1905)

Translation: TAGALOG
Start reading

1At nang si Abram ay may siyam na pu't siyam na taon, ay napakita ang Panginoon kay Abram, at sa kaniya'y nagsabi, Ako ang Dios na Makapangyarihan sa lahat lumakad ka sa harapan ko, at magpakasakdal ka.Select Genesis 17:1

2At ako'y makikipagtipan sa iyo at ikaw ay aking pararamihing mainam.Select Genesis 17:2

3At nagpatirapa si Abram: at ang Dios ay nakipagusap sa kaniya, na sinasabi,Select Genesis 17:3

4Tungkol sa akin, narito, ang aking tipan ay sumasaiyo, at ikaw ang magiging ama ng maraming bansa.Select Genesis 17:4

5At hindi na tatawagin ang pangalan mong Abram, kundi Abraham ang magiging iyong pangalan; sapagka't ikaw ay ginawa kong ama ng maraming bansa.Select Genesis 17:5

6At ikaw ay aking gagawing totoong palaanakin at papanggagalingin ko sa iyo ang mga bansa; at magbubuhat sa iyo ang mga hari.Select Genesis 17:6

7At aking papagtitibayin ang aking tipan sa iyo at sa iyong binhi pagkamatay mo sa buong kalahian nila, na tipang walang hanggan, na ako'y magiging iyong Dios, at ng iyong binhi, pagkamatay mo.Select Genesis 17:7

8At ibibigay ko sa iyo, at sa iyong binhi, pagkamatay mo, ang lupaing iyong mga pinaglakbayan, ang buong lupain ng Canaan, na pag-aaring walang hanggan at ako ang magiging Dios nila.Select Genesis 17:8

9At sinabi pa ng Dios kay Abraham, At tungkol sa iyo, iingatan mo ang aking tipan, iingatan mo at ng iyong binhi pagkamatay mo, sa buong kalahian nila.Select Genesis 17:9

10Ito ang aking tipan na inyong iingatan sa akin at sa inyo, at ng iyong binhi, pagkamatay mo; tutuliin ang bawa't lalake sa inyo.Select Genesis 17:10

11At kayo'y tutuliin sa laman ng inyong balat ng masama; at ito ang magiging tanda ng aking tipan sa inyo.Select Genesis 17:11

12At ang may walong araw ay tutuliin sa inyo, ang bawa't lalake sa buong kalahian ninyo; ang ipinanganak sa bahay, o ang binili ng salapi sa sinomang taga ibang lupa na hindi sa iyong lahi.Select Genesis 17:12

13Ang ipinanganak sa bahay at ang binili ng iyong salapi, ay dapat tuliin: at ang aking tipan ay sasa iyong laman na pinakatipang walang hanggan.Select Genesis 17:13

14At ang lalaking hindi tuli, na hindi tinuli ang laman ng kaniyang balat ng masama, ang taong yaon ay mahihiwalay sa kaniyang bayan; sinira niya ang aking tipan.Select Genesis 17:14

15At sinabi ng Dios kay Abraham, Tungkol kay Sarai na iyong asawa, ay huwag mo nang tatawagin ang kaniyang pangalang Sarai, kundi Sara ang magiging kaniyang pangalan.Select Genesis 17:15

16At akin siyang pagpapalain, at saka sa kaniya'y bibigyan kita ng anak: oo, siya'y aking pagpapalain, at magiging ina ng mga bansa; ang mga hari ng mga bayan ay magmumula sa kaniya.Select Genesis 17:16

17Nang magkagayo'y nagpatirapa si Abraham, at nagtawa, at nasabi sa kaniyang sarili, Magkakaanak kaya siya na may isang daang taon na? at manganak pa kaya si Sara na may siyam na pung taon na?Select Genesis 17:17

18At sinabi ni Abraham sa Dios, Kahimanawari, si Ismael ay mabuhay sa harapan mo!Select Genesis 17:18

19At sinabi ng Dios, Hindi, kundi ang iyong asawang si Sara ay magkakaanak sa iyo; at tatawagin mo ang kaniyang ngalang Isaac; at aking pagtitibayin ang aking tipan sa kaniya ng pinakatipang walang hanggan, sa kaniyang lahi pagkamatay niya.Select Genesis 17:19

20At tungkol kay Ismael, ay dininig din kita. Narito't aking pinagpala siya, at siya'y aking papagaanakin ng marami, at siya'y aking pararamihin ng di kawasa; labing dalawang prinsipe ang kaniyang magiging anak, at siya'y gagawin kong malaking bansa.Select Genesis 17:20

21Nguni't ang aking tipan ay pagtitibayin ko kay Isaac na iaanak sa iyo ni Sara, sa tadhanang araw, sa taong darating.Select Genesis 17:21

22At nang matapos na makipagusap sa kaniya, ay napaitaas ang Dios mula sa piling ni Abraham.Select Genesis 17:22

23At ipinagsama ni Abraham si Ismael, na kaniyang anak, at ang lahat na ipinanganak sa kaniyang bahay, at ang lahat ng binili niya ng kaniyang salapi, ang lahat ng lalake sa mga lalaking kasangbahay ni Abraham, at tinuli ang laman ng kanilang balat ng masama ng araw ding yaon, ayon sa sinabi ng Dios sa kaniya.Select Genesis 17:23

24At si Abraham ay may siyam na pu't siyam na taon, nang tuliin ang laman ng kaniyang balat ng masama.Select Genesis 17:24

25At si Ismael ay may labing tatlong taon, nang tuliin ang laman ng kaniyang balat ng masama.Select Genesis 17:25

26Nang araw ding yaon tinuli si Abraham, at si Ismael na kaniyang anak.Select Genesis 17:26

27At lahat ng lalaking kasangbahay niya, maging ang mga ipinanganak sa bahay, at ang mga binili ng salapi sa taga ibang lupain, ay pinagtuling kasama niya.Select Genesis 17:27

Next: Genesis 18Continue reading

Ang Dating Biblia (1905) (TAGALOG) · Public Domain

Reading settings

Choose a passage

Old Testament

New Testament

Genesis

Selected verses

Tap another verse to select a range.

Highlight

My Bible

Listen

Uses an English voice provided by your browser.