Skip to content
Church.wiki
Genesis

Genesis 25

Ang Dating Biblia (1905)

Translation: TAGALOG
Start reading

1At si Abraham ay nagasawa ng iba, at ang pangalan ay Cetura.Select Genesis 25:1

2At naging anak nito sa kaniya si Zimram at si Joksan, at si Medan, at si Midiam, at si Ishbak, at si Sua.Select Genesis 25:2

3At naging anak ni Joksan si Seba at si Dedan. At ang mga anak na lalake ni Dedan, ay si Assurim at si Letusim, at si Leummim.Select Genesis 25:3

4At ang mga anak ni Midian: si Epha at si Epher, at si Enech, at si Abida, at si Eldaa. Lahat ng ito ay mga anak ni Cetura.Select Genesis 25:4

5At ibinigay ni Abraham ang lahat ng kaniyang tinatangkilik kay Isaac.Select Genesis 25:5

6Datapuwa't ang mga anak ng naging mga babae ni Abraham, ay pinagbibigyan ni Abraham ng mga kaloob; at samantalang nabubuhay pa siya ay mga inilayo niya kay Isaac na kaniyang anak sa dakong silanganan sa lupaing silanganan.Select Genesis 25:6

7At ito ang mga araw ng mga taon ng buhay na ikinabuhay ni Abraham, isang daan at pitong pu't limang taon.Select Genesis 25:7

8At nalagot ang hininga ni Abraham at namatay sa mabuting katandaan, matanda at puspos ng mga taon; at nalakip sa kaniyang bayan.Select Genesis 25:8

9At inilibing siya ni Isaac at ni Ismael na kaniyang mga anak sa yungib ng Macpela, sa parang ni Ephron, na anak ni Zohar na Hetheo, na nasa tapat ng Mamre;Select Genesis 25:9

10Sa parang na binili ni Abraham sa mga anak ni Heth: doon inilibing si Abraham at si Sara na kaniyang asawa.Select Genesis 25:10

11At nangyari, pagkamatay ni Abraham, na pinagpala ng Dios si Isaac na kaniyang anak; at si Isaac ay nanahan sa tabi ng Beer-lahai-roi.Select Genesis 25:11

12Ang mga ito nga ang sali't saling lahi ni Ismael, anak ni Abraham, na naging anak kay Abraham ni Agar na taga Egipto, na alila ni Sara:Select Genesis 25:12

13At ito ang mga pangalan ng mga anak ni Ismael, ayon sa kanikaniyang lahi: ang panganay ni Ismael ay si Nabaioth; at si Cedar, at si Adbeel, at si Mibsam,Select Genesis 25:13

14At si Misma, at si Duma, at si Maasa,Select Genesis 25:14

15At si Hadad, at si Tema, si Jetur, si Naphis, at si Cedema:Select Genesis 25:15

16Ito ang mga anak ni Ismael, at ito ang kanikaniyang pangalan, ayon sa kanikaniyang nayon, at ayon sa kanikaniyang hantungan: labing dalawang pangulo ayon sa kanilang bansa.Select Genesis 25:16

17At ito ang mga naging taon ng buhay ni Ismael, isang daan at tatlong pu't pitong taon; at nalagot ang hininga at namatay; at siya'y nalakip sa kaniyang bayan.Select Genesis 25:17

18At nagsisitahan sila mula sa Havila hanggang sa Shur, na natatapat sa Egipto, kung patutungo sa Asiria; siya'y tumahan sa harap ng lahat niyang mga kapatid.Select Genesis 25:18

19At ito ang mga sali't saling lahi ni Isaac, na anak ni Abraham: naging anak ni Abraham si Isaac,Select Genesis 25:19

20At si Isaac ay may apat na pung taon, nang siya'y magasawa kay Rebeca, na anak ni Bethuel na taga Siria sa Padan-aram, kapatid na babae ni Laban na taga Siria.Select Genesis 25:20

21At nanalangin si Isaac sa Panginoon dahil sa kaniyang asawa, sapagka't baog; at nadalanginan niya ang Panginoon, at si Rebeca na kaniyang asawa ay naglihi.Select Genesis 25:21

22At nagbubuno ang mga bata sa loob niya; at kaniyang sinabi, Kung ganito'y bakit nabubuhay pa ako? At siya'y yumaong nagsiyasat sa Panginoon.Select Genesis 25:22

23At sinabi sa kaniya ng Panginoon, Dalawang bansa ay nasa iyong bahay-bata, At dalawang bayan ay papaghihiwalayin mula sa iyong tiyan: At ang isang bayan ay magiging malakas kaysa isang bayan; At ang matanda ay maglilingkod sa bata.Select Genesis 25:23

24At nang matupad ang mga araw ng kaniyang kapanganakan, narito't kambal sa kaniyang bahay-bata.Select Genesis 25:24

25At ang unang lumabas ay mapula na buong katawa'y parang mabalahibong damit; at siya'y pinanganlang Esau.Select Genesis 25:25

26At pagkatapos ay lumabas ang kaniyang kapatid, at ang kaniyang kamay ay nakakapit sa sakong ni Esau; at ipinangalan sa kaniya ay Jacob: at si Isaac ay may anim na pung taon na, nang sila'y ipanganak ni Rebeca.Select Genesis 25:26

27At nagsilaki ang mga bata; at si Esau ay naging maliksi sa pangangaso, lalake sa parang; at si Jacob ay lalaking tahimik, na tumatahan sa mga tolda.Select Genesis 25:27

28Minamahal nga ni Isaac si Esau, sapagka't kumakain ng kaniyang pinangangasuhan: at minamahal ni Rebeca si Jacob.Select Genesis 25:28

29At nagluto si Jacob ng lutuin: at dumating si Esau na galing sa parang, at siya'y nanglalambot:Select Genesis 25:29

30At sinabi ni Esau kay Jacob, Ipinamamanhik ko sa iyo na pakanin mo ako niyaong mapulang lutuin; sapagka't ako'y nanglalambot: kaya't tinawag ang pangalan niya na Edom.Select Genesis 25:30

31At sinabi ni Jacob, Ipagbili mo muna sa akin ang iyong pagkapanganay.Select Genesis 25:31

32At sinabi ni Esau, Narito, ako'y namamatay: at saan ko mapapakinabangan ang pagkapanganay?Select Genesis 25:32

33At sinabi ni Jacob, Isumpa mo muna sa akin; at isinumpa niya sa kaniya: at kaniyang ipinagbili ang kaniyang pagkapanganay kay Jacob.Select Genesis 25:33

34At binigyan ni Jacob si Esau ng tinapay at nilutong lentehas; at siya'y kumain, at uminom, at bumangon at yumaon: gayon niwalang halaga ni Esau ang kaniyang pagkapanganay.Select Genesis 25:34

Next: Genesis 26Continue reading

Ang Dating Biblia (1905) (TAGALOG) · Public Domain

Reading settings

Choose a passage

Old Testament

New Testament

Genesis

Selected verses

Tap another verse to select a range.

Highlight

My Bible

Listen

Uses an English voice provided by your browser.