1 Corinthians 16
Tagalog, Ang Dating Biblia (1905)
Translation: TAGALOG
Modern translations such as the NIV or ESV are not available yet. They need a license, and we will add them when one is in place. All translations and their sources
1Ngayon tungkol sa ambagan sa mga banal, ay gawin din naman ninyong gaya ng iniutos ko sa mga iglesia ng Galacia.Select 1 Corinthians 16:1
2Tuwing unang araw ng sanglinggo ang bawa't isa sa inyo ay magbukod na magsimpan, ayon sa kaniyang iginiginhawa, upang huwag nang gumawa ng mga ambagan sa pagpariyan ko.Select 1 Corinthians 16:2
3At pagdating ko, ang sinomang inyong mamagalingin, ay sila ang aking susuguin na may mga sulat upang makapagdala ng inyong abuloy sa Jerusalem:Select 1 Corinthians 16:3
4At kung nararapat na ako naman ay pumaroon, sila'y isasama ko.Select 1 Corinthians 16:4
5Nguni't ako'y paririyan sa inyo, pagkaraan ko sa Macedonia; sapagka't magdaraan ako sa Macedonia;Select 1 Corinthians 16:5
6Datapuwa't marahil ako'y matitira sa inyo o makikisama sa inyo sa taginaw, upang ako'y tulungan ninyo sa aking paglalakbay saan man ako pumaroon.Select 1 Corinthians 16:6
7Sapagka't hindi ko ibig na kayo'y makita ngayon sa paglalakbay; sapagka't inaasahan kong ako'y makikisama sa inyong kaunting panahon, kung itutulot ng Panginoon.Select 1 Corinthians 16:7
8Datapuwa't ako'y titigil sa Efeso hanggang sa Pentecostes;Select 1 Corinthians 16:8
9Sapagka't sa akin ay nabuksan ang isang pintuang malaki at mapapakinabangan, at marami ang mga kaaway.Select 1 Corinthians 16:9
10Ngayon kung dumating si Timoteo, ingatan ninyo na siya'y mapasainyo na walang pangamba; sapagka't ginagawa niya ang gawain ng Panginoon, na gaya ko rin naman:Select 1 Corinthians 16:10
11Sinoman nga ay huwag humamak sa kaniya. Kundi tulungan ninyo siyang payapa sa kaniyang paglalakbay, upang siya'y makaparito sa akin: sapagka't inaasahan ko siya'y kasama ng mga kapatid.Select 1 Corinthians 16:11
12Nguni't tungkol sa kapatid na si Apolos, ay ipinamanhik ko sa kaniyang malabis na siya'y pumariyan sa inyong kasama ng mga kapatid: at sa anomang paraan ay hindi niya kalooban na pumariyan ngayon; nguni't paririyan pagkakaroon niya ng panahon.Select 1 Corinthians 16:12
13Magsipagingat kayo, mangagpakatibay kayo sa pananampalataya, kayo'y mangagpakalalake, kayo'y mangagpakalakas.Select 1 Corinthians 16:13
14Gawin ninyo sa pagibig ang lahat ninyong ginagawa.Select 1 Corinthians 16:14
15Ipinamamanhik ko nga sa inyo, mga kapatid (nalalaman ninyo na ang sangbahayan ni Estefanas ay siyang pangunahing bunga ng Acaya, at nangagsitalaga sa paglilingkod sa mga banal),Select 1 Corinthians 16:15
16Na kayo'y pasakop naman sa mga gayon, at sa bawa't tumutulong sa gawa at nagpapagal.Select 1 Corinthians 16:16
17At ikinagagalak ko ang pagdating ni Estefanas at ni Fortunato at ni Acaico: sapagka't ang kakulangan ninyo ay pinunan nila.Select 1 Corinthians 16:17
18Sapagka't inaliw nila ang aking espiritu at ang inyo: magsikilala nga kayo sa mga gayon.Select 1 Corinthians 16:18
19Binabati kayo ng mga iglesia sa Asia. Kayo'y binabating malabis sa Panginoon ni Aquila at ni Prisca pati ng iglesiang nasa kanilang bahay.Select 1 Corinthians 16:19
20Binabati kayo ng lahat ng mga kapatid. Kayo'y mangagbatian ng halik na banal.Select 1 Corinthians 16:20
21Ang bati ko, ni Pablo na sinulat ng aking sariling kamay.Select 1 Corinthians 16:21
22Kung ang sinoman ay hindi umiibig sa Panginoon, ay maging takuwil siya. Maranatha.Select 1 Corinthians 16:22
23Ang biyaya ng Panginoong Jesucristo ay sumainyo nawa.Select 1 Corinthians 16:23
24Ang aking pagibig kay Cristo Jesus ay sumainyo nawang lahat. Siya nawa.Select 1 Corinthians 16:24
Tagalog, Ang Dating Biblia (1905) (TAGALOG). Public domain. Text from the CrossWire Bible Society module. About this translation