Deuteronomy 14
Ang Dating Biblia (1905)
Translation: TAGALOG
1Kayo'y mga anak ng Panginoon ninyong Dios: huwag kayong magkukudlit, ni magpapakakalbo sa pagitan ng inyong mga mata, ng dahil sa patay.Select Deuteronomy 14:1
2Sapagka't ikaw ay isang banal na bayan sa Panginoon mong Dios, at ikaw ay pinili ng Panginoon upang maging bayan sa kaniyang sariling pag-aari, na higit sa lahat ng mga bayan na nasa ibabaw ng balat ng lupa.Select Deuteronomy 14:2
3Huwag kang kakain ng anomang karumaldumal na bagay.Select Deuteronomy 14:3
4Ito ang mga hayop na inyong makakain: ang baka, ang tupa, at ang kambing,Select Deuteronomy 14:4
5Ang malaking usa, at ang maliit na usa, at ang lalaking usa, at ang mabangis na kambing, at ang pigargo, at ang antilope, at ang gamuza.Select Deuteronomy 14:5
6At bawa't hayop na may hati ang paa, at baak, at ngumunguya sa mga hayop, ay inyong makakain.Select Deuteronomy 14:6
7Gayon ma'y ang mga ito ay hindi kakanin sa mga ngumunguya, o sa baak ang paa: ang kamelyo, at ang liebre, at ang coneho, sapagka't sila'y ngumunguya, nguni't walang hati ang paa; mga marumi sa inyo;Select Deuteronomy 14:7
8At ang baboy, sapagka't may hating paa, nguni't hindi ngumunguya, ito'y marumi sa inyo: ang laman nila'y huwag ninyong kakanin, at ang kanilang bangkay ay huwag hihipuin.Select Deuteronomy 14:8
9At ang mga ito'y inyong makakain sa lahat ng nasa tubig: anomang may mga kaliskis at mga palikpik, ay inyong makakain:Select Deuteronomy 14:9
10At anomang walang kaliskis at palikpik, ay huwag ninyong kakanin; marumi nga ito sa inyo.Select Deuteronomy 14:10
11Sa lahat ng ibong malinis ay makakakain kayo.Select Deuteronomy 14:11
12Nguni't ang mga ito'y hindi ninyo makakain: ang aguila, at ang aguilang dumudurog ng mga buto, at ang aguilang dagat;Select Deuteronomy 14:12
13At ang ixio, at ang halkon, at ang lawin ayon sa kaniyang pagkalawin;Select Deuteronomy 14:13
14At lahat na uwak ayon sa kanilang pagkauwak;Select Deuteronomy 14:14
15At ang avestruz, at ang chotacabras, at ang graviota, at ang lawin ayon sa kaniyang pagkalawin;Select Deuteronomy 14:15
16Ang munting kuwago, at ang malaking kuwago, at ang kuwagong tila may sungay;Select Deuteronomy 14:16
17At ang pelikano, at ang buitre, at ang somormuho;Select Deuteronomy 14:17
18At ang ciguena at ang tagak, ayon sa kanilang pagkatagak; at ang abubilla, at ang kabagkabag.Select Deuteronomy 14:18
19At lahat ng may pakpak na umuusad, ay marumi sa inyo: hindi kakanin.Select Deuteronomy 14:19
20Sa lahat ng ibong malinis ay kayo'y makakakain.Select Deuteronomy 14:20
21Huwag kayong kakain ng anomang bagay na namatay sa sarili: iyong maibibigay sa taga ibang bayang nasa loob ng iyong mga pintuang-daan, upang kaniyang kanin; o iyong maipagbibili sa taga ibang bayan: sapagka't ikaw ay isang banal na bayan sa Panginoon mong Dios. Huwag mong lulutuin ang guyang kambing sa gatas ng kaniyang ina.Select Deuteronomy 14:21
22Iyo ngang pagsasangpuing bahagi ang lahat na bunga ng iyong binhi na nanggagaling taontaon sa iyong bukid.Select Deuteronomy 14:22
23At iyong kakanin sa harap ng Panginoon mong Dios, sa dakong kaniyang pipiliin na patatahanan sa kaniyang pangalan, ang ikasangpung bahagi ng iyong trigo, ng iyong alak at ng iyong langis, at ang mga panganay sa iyong bakahan at sa iyong kawan; upang magaral kang matakot sa Panginoon mong Dios na palagi.Select Deuteronomy 14:23
24At kung ang daan ay totoong mahaba sa ganang iyo, na ano pa't hindi mo madadala, sapagka't totoong malayo sa iyo ang dako, na pipiliin ng Panginoon mong Dios na paglalagyan ng kaniyang pangalan, pagka ikaw ay pagpapalain ng Panginoon mong Dios:Select Deuteronomy 14:24
25Ay iyo ngang sasalapiin, at iyong itatali ang salapi sa iyong kamay at paroroon ka sa dakong pipiliin ng Panginoon mong Dios:Select Deuteronomy 14:25
26At iyong gugulin ang salapi sa anomang nasain mo sa mga baka, o sa mga tupa, o sa alak, o sa matapang na inumin, o sa anomang nasain ng iyong kaluluwa: at iyong kakanin doon sa harap ng Panginoon mong Dios, at ikaw ay magagalak, ikaw at ang iyong sangbahayan;Select Deuteronomy 14:26
27At ang Levita na nasa loob ng iyong mga pintuang-daan, ay huwag mong pababayaan: sapagka't siya'y walang bahagi ni mana na kasama mo.Select Deuteronomy 14:27
28Sa katapusan ng bawa't tatlong taon ay iyong kukunin ang buong ikasangpung bahagi ng iyong bunga ng taong yaon, at iyong ilalagay sa loob ng iyong mga pintuang-daan:Select Deuteronomy 14:28
29At ang Levita, sapagka't siya'y walang bahagi ni mana na kasama mo, at ang taga ibang bayan, at ang ulila, at ang babaing bao, na nangasa loob ng iyong mga pintuang-daan, ay magsisiparoon at magsisikain at mangabubusog; upang pagpalain ka ng Panginoon mong Dios sa lahat ng gawa ng iyong kamay sa iyong ginagawa.Select Deuteronomy 14:29
Ang Dating Biblia (1905) (TAGALOG) · Public Domain