Skip to content
Church.wiki
Exodus

Exodus 25

Tagalog, Ang Dating Biblia (1905)

Translation: TAGALOG

Modern translations such as the NIV or ESV are not available yet. They need a license, and we will add them when one is in place. All translations and their sources

Start reading

1At ang Panginoon ay nagsalita kay Moises, na sinasabi,Select Exodus 25:1

2Salitain mo sa mga anak ni Israel, na sila'y magdala sa akin ng isang handog: ang bawa't tao na maganyak ang puso sa kagandahang loob ay kukunan ninyo ng handog sa akin.Select Exodus 25:2

3At ito ang handog na inyong kukunin sa kanila; ginto, at pilak, at tanso;Select Exodus 25:3

4At kayong bughaw, kulay-ube, at pula, at lino at balahibo ng kambing;Select Exodus 25:4

5At mga balat ng lalaking tupa na tinina sa pula, at mga balat ng poka, at kahoy na akasia;Select Exodus 25:5

6Langis sa ilawan, mga espesia sa langis na pangpahid, at sa mabangong pangsuob;Select Exodus 25:6

7Mga batong onix, at mga batong pangkalupkop sa efod, at sa pektoral.Select Exodus 25:7

8At kanilang igawa ako ng isang santuario; upang ako'y makatahan sa gitna nila.Select Exodus 25:8

9Ayon sa lahat ng aking ipinakita sa iyo, sa anyo ng tabernakulo at sa anyo ng lahat ng kasangkapan niyaon ay gayon ninyo gagawin.Select Exodus 25:9

10At sila'y gagawa ng isang kaban na kahoy na akasia: na may dalawang siko't kalahati ang haba niyaon, at may isang siko't kalahati ang luwang niyaon, at may isang siko't kalahati ang taas niyaon.Select Exodus 25:10

11At iyong babalutin ng taganas na ginto; sa loob at sa labas ay iyong babalutin, at igagawa mo sa ibabaw ng isang kornisa sa palibot.Select Exodus 25:11

12At ipagbububo mo ng apat na argolyang ginto, at ipaglalagay mo sa apat na paa niyaon, at dalawang argolya ang mapapasa isang tagiliran niyaon, at dalawang argolya sa kabilang tagiliran niyaon.Select Exodus 25:12

13At gagawa ka ng mga pingga na kahoy na akasia at iyong babalutin ng ginto.Select Exodus 25:13

14At iyong isusuot ang mga pingga sa loob ng mga argolya, sa mga tagiliran ng kaban, upang mabuhat ang kaban.Select Exodus 25:14

15Ang mga pingga ay masusuot sa loob ng mga argolya ng kaban: hindi aalisin doon.Select Exodus 25:15

16At iyong isisilid sa kaban ang mga kinalalagdaan ng patotoo na aking ibibigay sa iyo.Select Exodus 25:16

17At gagawa ka ng isang luklukan ng awa, na taganas na ginto: na may dalawang siko't kalahati ang haba niyaon, at may isang siko't kalahati ang luwang niyaon.Select Exodus 25:17

18At gagawa ka ng dalawang querubing ginto; na yari sa pamukpok iyong gagawin, sa dalawang dulo ng luklukan ng awa.Select Exodus 25:18

19At gawin mo ang isang querubin sa isang dulo, at ang isang querubin sa kabilang dulo: kaputol ng luklukan ng awa, gagawin mo ang mga querubin sa dalawang dulo niyaon.Select Exodus 25:19

20At ibubuka ng mga querubin ang kanilang pakpak na paitaas, na nilililiman ang luklukan ng awa, ng kanilang mga pakpak, na ang kanilang mukha ay nagkakaharap, sa dakong luklukan ng awa ihaharap ang mga mukha ng mga querubin.Select Exodus 25:20

21At iyong ilalagay ang luklukan ng awa sa ibabaw ng kaban; at sa loob ng kaban, ay iyong ilalagay ang mga kinalalagdaan ng patotoo, na aking ibibigay sa iyo.Select Exodus 25:21

22At diya'y makikipagkita ako sa iyo, at makikipanayam sa iyo mula sa ibabaw ng luklukan ng awa, sa gitna ng dalawang querubin na nangasa ibabaw ng kaban ng patotoo, tungkol sa lahat ng mga bagay na ibibigay ko sa iyong utos sa mga anak ni Israel.Select Exodus 25:22

23At gagawa ka ng isang dulang na kahoy na akasia: na may dalawang siko ang haba niyaon, at isang siko ang luwang niyaon, at isang siko't kalahati ang taas niyaon.Select Exodus 25:23

24At iyong babalutin ng taganas na ginto, at igagawa mo ng isang kornisang ginto sa palibot.Select Exodus 25:24

25At igagawa mo ng isang gilid na may isang palad ng kamay ang luwang sa palibot, at igagawa mo ng isang kornisang ginto ang palibot ng gilid niyaon.Select Exodus 25:25

26At igagawa mo ng apat na argolyang ginto, at ilalagay mo ang mga argolya sa apat na sulok na ukol sa apat na paa niyaon.Select Exodus 25:26

27Malalapit sa gilid ang mga argolya, sa daraanan ng mga pingga, upang madala ang dulang.Select Exodus 25:27

28At gagawin mo ang mga pingga na kahoy na akasia, at iyong babalutin ng ginto, upang ang dulang ay madala ng mga yaon.Select Exodus 25:28

29At gagawa ka ng mga pinggan niyaon, at ng mga kutsara niyaon, at ng mga kopa niyaon, at ng mga tasa niyaon na pagbubuhusan; na iyong gagawing taganas na ginto.Select Exodus 25:29

30At ilalagay mo sa dulang ang tinapay na handog sa harap ko na palagi.Select Exodus 25:30

31At gagawa ka ng isang kandelerong taganas na ginto: yari sa pamukpok gagawin mo ang kandelero, ang tuntungan niyaon, at ang haligi niyaon; ang mga kopa niyaon, ang mga globito niyaon at ang mga bulaklak niyaon ay mga kaputol:Select Exodus 25:31

32At magkakaroon ng anim na sangang lumalabas sa mga tagiliran niyaon; tatlong sanga ng kandelero'y sa isang tagiliran niyaon, at ang tatlong sanga ng kandelero ay sa kabilang tagiliran niyaon:Select Exodus 25:32

33At magkakaroon ng tatlong kopang anyong bulaklak ng almendro sa isang sanga, isang globito at isang bulaklak; at tatlong kopang anyong bulaklak ng almendro sa kabilang sanga, isang globito at isang bulaklak; at gayon sa anim na sangang lumalabas sa kandelero.Select Exodus 25:33

34At sa haligi ng kandelero'y magkakaroon ng apat na kopang anyong bulaklak ng almendro, sangpu ng mga globito niyaon, at ng mga bulaklak niyaon:Select Exodus 25:34

35At magkakaroon ng isang globito sa ilalim ng dalawa sa mga sanga, at isang globito sa ilalim ng kabilang dalawa sa mga sanga na kaputol niyaon, at isang globito sa ilalim ng dalawang sangang nalalabi ayon sa anim na sanga na lumalabas sa kandelero.Select Exodus 25:35

36Ang magiging mga globito at mga sanga niyaon ay kaputol: kabuoan niyaon ay isa lamang putol na yari sa pamukpok, na taganas na ginto.Select Exodus 25:36

37At igagawa mo ng kaniyang mga ilawan, na pito: at kanilang sisindihan ang mga ilawan niyaon, upang lumiwanag sa dakong tapat ng kandelero.Select Exodus 25:37

38At ang magiging mga gunting at mga pinggan niyaon ay taganas na ginto.Select Exodus 25:38

39Isang talentong taganas na ginto gagawin, sangpu ng lahat ng kasangkapang ito.Select Exodus 25:39

40At ingatan mo, na iyong gawin ayon sa anyo ng mga yaon na ipinakita sa iyo sa bundok.Select Exodus 25:40

Next: Exodus 26Continue reading

Tagalog, Ang Dating Biblia (1905) (TAGALOG). Public domain. Text from the CrossWire Bible Society module. About this translation

Reading settings

Choose a passage

Old Testament

New Testament

Exodus

Selected verses

Select another verse to extend the range.

Highlight

My Bible

About this name

Listen

Uses an English voice provided by your browser.