Skip to content
Church.wiki
Joshua

Joshua 12

Ang Dating Biblia (1905)

Translation: TAGALOG
Start reading

1Ang mga ito nga ang mga hari sa lupain na sinaktan ng mga anak ni Israel, at inari ang kanilang lupain sa dako roon ng Jordan na dakong sinisikatan ng araw mula sa libis ng Arnon hanggang sa bundok ng Hermon, at ng buong Araba na dakong silanganan:Select Joshua 12:1

2Si Sehon na hari ng mga Amorrheo, na nanahan sa Hesbon at nagpuno mula sa Aroer, na nasa tabi ng libis ng Arnon at ang bayan na nasa gitna ng libis, at ang kalahati ng Galaad, hanggang sa ilog Jaboc, na hangganan ng mga anak ni Ammon;Select Joshua 12:2

3At ang Araba hanggang sa dagat ng Cinneroth, na dakong silanganan, at hanggang sa dagat ng Araba, Dagat na Alat, na dakong silanganan, na daang patungo sa Beth-jesimoth; at sa timugan sa ilalim ng mga tagudtod ng Pisga:Select Joshua 12:3

4At ang hangganan ni Og na hari sa Basan, sa nalabi ng mga Rephaim na nanahan sa Astaroth at sa Edrei,Select Joshua 12:4

5At nagpuno sa bundok ng Hermon, at sa Salca, at sa buong Basan, hanggang sa hangganan ng mga Gessureo at ng mga Maachateo, at ng kalahati ng Galaad, na hangganan ni Sehon na hari sa Hesbon.Select Joshua 12:5

6Sinaktan sila ni Moises na lingkod ng Panginoon at ng mga anak ni Israel: at ibinigay ni Moises na lingkod ng Panginoon na pinakaari sa mga Rubenita, at sa mga Gadita, at sa kalahating lipi ni Manases.Select Joshua 12:6

7At ang mga ito'y ang mga hari ng lupain na sinaktan ni Josue at ng mga anak ni Israel sa dako roon ng Jordan na dakong kalunuran, mula sa Baal-gad na libis ng Libano hanggang sa bundok ng Halac, na pasampa sa Seir (at ibinigay ni Josue na pinakaari sa mga lipi ng Israel ayon sa kanilang pagkakabahagi;Select Joshua 12:7

8Sa lupaing maburol, at sa mababang lupain, at sa Araba, at sa mga tagudtod, at sa ilang, at sa Timugan; ang Hatheo, ang Amorrheo, at ang Cananeo, ang Pherezeo, ang Heveo, at ang Jebuseo);Select Joshua 12:8

9Ang hari sa Jerico, isa; ang hari sa Hai na nasa tabi ng Beth-el, isa;Select Joshua 12:9

10Ang hari sa Jerusalem, isa; ang hari sa Hebron, isa.Select Joshua 12:10

11Ang hari sa Jarmuth, isa; ang hari sa Lachis, isa;Select Joshua 12:11

12Ang hari sa Eglon, isa; ang hari sa Gezer, isa;Select Joshua 12:12

13Ang hari sa Debir, isa; ang hari sa Geder, isa;Select Joshua 12:13

14Ang hari sa Horma, isa; ang hari sa Arad, isa;Select Joshua 12:14

15Ang hari sa Libna, isa; ang hari sa Adullam, isa;Select Joshua 12:15

16Ang hari sa Maceda, isa; ang hari sa Beth-el, isa;Select Joshua 12:16

17Ang hari sa Tappua, isa; ang hari sa Hepher, isa;Select Joshua 12:17

18Ang hari sa Aphec, isa; ang hari sa Lasaron, isa;Select Joshua 12:18

19Ang hari sa Madon, isa; ang hari sa Hasor, isa;Select Joshua 12:19

20Ang hari sa Simron-meron, isa; ang hari sa Achsaph, isa;Select Joshua 12:20

21Ang hari sa Taanach, isa; ang hari sa Megiddo, isa;Select Joshua 12:21

22Ang hari sa Chedes, isa; ang hari sa Jocneam sa Carmel, isa;Select Joshua 12:22

23Ang hari sa Dor sa kaitaasan ng Dor, isa; ang hari ng mga bansa sa Gilgal, isa;Select Joshua 12:23

24Ang hari sa Tirsa, isa; lahat ng hari ay tatlong pu't isa;Select Joshua 12:24

Next: Joshua 13Continue reading

Ang Dating Biblia (1905) (TAGALOG) · Public Domain

Reading settings

Choose a passage

Old Testament

New Testament

Joshua

Selected verses

Tap another verse to select a range.

Highlight

My Bible

Listen

Uses an English voice provided by your browser.