Joshua 15
Ang Dating Biblia (1905)
Translation: TAGALOG
1At naging kapalaran ng lipi ng mga anak ni Juda ayon sa kanilang mga angkan ay hanggang sa hangganan ng Edom; hanggang sa ilang ng Zin na dakong timugan, sa kahulihulihang bahagi ng timugan.Select Joshua 15:1
2At ang kanilang hangganang timugan ay mula sa kahulihulihang bahagi ng Dagat na Alat, mula sa dagat-dagatan na nakaharap sa dakong timugan:Select Joshua 15:2
3At palabas sa dakong timugan ng pagsampa sa Acrabim, at patuloy sa Zin at pasampa sa timugan ng Cades-barnea, at patuloy sa Hezron, at pasampa sa Addar, at paliko sa Carca:Select Joshua 15:3
4At patuloy sa Azmon, at palabas sa batis ng Egipto, at ang mga labasan ng hangganan ay sa dagat: ito ang magiging inyong hangganang timugan.Select Joshua 15:4
5At ang hangganang silanganan ay ang Dagat na Alat, hanggang sa katapusan ng Jordan. At ang hangganan ng hilagaang dako ay mula sa dagat-dagatan ng dagat na nasa katapusan ng Jordan:Select Joshua 15:5
6At pasampa ang hangganan sa Beth-hogla, at patuloy sa hilagaan ng Beth-araba; at ang hangganan ay pasampa sa bato ni Bohan na anak ni Ruben:Select Joshua 15:6
7At ang hangganan ay pasampa sa Debir mula sa libis ng Achor, at gayon sa dakong hilagaang paharap sa dakong Gilgal, na nasa tapat ng pagsampa sa Adumin, na nasa dakong timugan ng ilog: at ang hangganan ay patuloy sa tubig ng En-semes, at ang mga labasan niyaon ay sa En-rogel:Select Joshua 15:7
8At ang hangganan ay pasampa sa libis ng anak ni Hinnom hanggang sa dako ng Jebuseo na dakong timugan (na siya ring Jerusalem): at ang hangganan ay pasampa sa taluktok ng bundok na dumudoon sa harap ng libis ng Hinnom na dakong kalunuran, na sa kahulihulihang bahagi ng libis ng Rephaim na dakong hilagaan:Select Joshua 15:8
9At ang hangganan ay paabot mula sa taluktok ng bundok hanggang sa bukal ng tubig ng Nephtoa, at palabas sa mga bayan ng bundok ng Ephron, at ang hangganan ay paabot sa Baala (na siya ring Chiriath-jearim):Select Joshua 15:9
10At ang hangganan ay paliko mula sa Baala sa dakong kalunuran sa bundok ng Seir, at patuloy sa tabi ng bundok Jearim sa hilagaan (na siya ring Chesalon), at pababa sa Beth-semes at patuloy sa Timna.Select Joshua 15:10
11At ang hangganan ay palabas sa siping ng Ecron na dakong hilagaan; at ang hangganan ay paabot sa Sicheron, at patuloy sa bundok ng Baala, at palabas sa Jabneel; at ang mga labasan ng hangganan ay sa dagat.Select Joshua 15:11
12At ang hangganang kalunuran ay ang malaking dagat, at ang hangganan niyaon. Ito ang hangganan ng mga anak ni Juda sa palibot, ayon sa kanilang mga angkan.Select Joshua 15:12
13At kay Caleb na anak ni Jephone ay nagbigay siya ng isang bahagi sa gitna ng mga anak ni Juda, ayon sa utos ng Panginoon kay Josue, sa makatuwid baga'y ang Chiriath-arba, na siyang Arba na ama ni Anac (na siya ring Hebron).Select Joshua 15:13
14At pinalayas ni Caleb mula roon ang tatlong anak ni Anac: si Sesai, si Aiman at si Talmai, na mga anak ni Anac.Select Joshua 15:14
15At siya'y sumampa mula roon laban sa mga taga Debir: ang pangalan nga ng Debir nang una ay Chiriath-sepher.Select Joshua 15:15
16At sinabi ni Caleb, Ang sumakit sa Chiriath-sepher at sumakop, sa kaniya ko papagaasawahin si Axa na aking anak na babae.Select Joshua 15:16
17At sinakop ni Othoniel na anak ni Cenez, na kapatid ni Caleb: at pinapagasawa niya sa kaniya si Axa na kaniyang anak na babae.Select Joshua 15:17
18At nangyari, nang si Axa ay malakip sa kaniya, na kinilos nito siya na humingi sa kaniyang ama ng isang parang: at siya'y bumaba sa kaniyang asno, at sinabi ni Caleb sa kaniya, Anong ibig mo?Select Joshua 15:18
19At kaniyang sinabi, Pagpalain mo ako; sapagka't inilagay mo ako sa lupaing Timugan, ay bigyan mo rin ako ng mga bukal ng tubig. At ibinigay niya sa kaniya ang mga bukal sa itaas at ang mga bukal sa ibaba.Select Joshua 15:19
20Ito ang mana ng lipi ng mga anak ni Juda ayon sa kanilang mga angkan.Select Joshua 15:20
21At ang mga kaduluduluhang bayan ng lipi ng mga anak ni Juda sa dako ng hangganan ng Edom sa timugan ay Cabseel, at Eder, at Jagur,Select Joshua 15:21
22At Cina, at Dimona, at Adada,Select Joshua 15:22
23At Cedes, at Asor, at Itnan,Select Joshua 15:23
24At Ziph, at Telem, at Bealoth,Select Joshua 15:24
25At Asor-hadatta, at Cheriothhesron (na siya ring Asor),Select Joshua 15:25
26Amam, at Sema, at Molada,Select Joshua 15:26
27At Asar-gadda, at Hesmon, at Beth-pelet,Select Joshua 15:27
28At Hasar-sual, at Beer-seba, at Bizotia,Select Joshua 15:28
29Baala, at Iim, at Esem,Select Joshua 15:29
30At Eltolad, at Cesil, at Horma,Select Joshua 15:30
31At Siclag, at Madmanna, at Sansana,Select Joshua 15:31
32At Lebaoth at Silim, at Ain at Rimmon: lahat ng mga bayan ay dalawang pu't siyam, pati ng mga nayon ng mga yaon.Select Joshua 15:32
33Sa mababang lupain: Estaol, at Sorea, at Asena,Select Joshua 15:33
34At Zanoa, at En-gannim, Tappua, at En-am,Select Joshua 15:34
35Jarmuth at Adullam, Socho at Aceca,Select Joshua 15:35
36At Saraim at Adithaim, at Gedera at Gederothaim; labing apat na bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.Select Joshua 15:36
37Senan, at Hadasa, at Migdalgad;Select Joshua 15:37
38At Dilan, at Mizpe, at Jocteel,Select Joshua 15:38
39Lachis, at Boscat, at Eglon,Select Joshua 15:39
40At Cabon, at Lamas, at Chitlis;Select Joshua 15:40
41At Gederoth, at Beth-dagon, at Naama at Maceda: labing anim na bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.Select Joshua 15:41
42Libna, at Ether, at Asan,Select Joshua 15:42
43At Jiphta, at Asna, at Nesib,Select Joshua 15:43
44At Ceila, at Achzib, at Maresa; siyam na bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.Select Joshua 15:44
45Ecron at ang mga bayan niyaon, at ang mga nayon niyaon:Select Joshua 15:45
46Mula sa Ecron hanggang sa dagat, lahat na nasa siping ng Asdod pati ng mga nayon ng mga yaon.Select Joshua 15:46
47Asdod, ang mga bayan niyaon at ang mga nayon niyaon, Gaza, ang mga bayan niyaon at ang mga nayon niyaon; hanggang sa batis ng Egipto, at ang malaking dagat at ang hangganan niyaon.Select Joshua 15:47
48At sa lupaing maburol, Samir, at Jattir, at Soco,Select Joshua 15:48
49At Danna, at Chiriat-sanna (na siyang Debir),Select Joshua 15:49
50At Anab, at Estemo, at Anim;Select Joshua 15:50
51At Gosen, at Olon, at Gilo: labing isang bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.Select Joshua 15:51
52Arab, at Dumah, at Esan,Select Joshua 15:52
53At Janum, at Beth-tappua, at Apheca:Select Joshua 15:53
54At Humta, at Chiriath-arba (na siyang Hebron), at Sior; siyam na bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.Select Joshua 15:54
55Maon, Carmel, at Ziph, at Juta,Select Joshua 15:55
56At Izreel, at Jocdeam, at Zanoa,Select Joshua 15:56
57Cain, Gibea, at Timna: sangpung bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.Select Joshua 15:57
58Halhul, Beth-zur, at Gedor.Select Joshua 15:58
59At Maarath, at Beth-anoth, at Eltecon; anim na bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.Select Joshua 15:59
60Chiriath-baal (na siyang Chiriath-jearim), at Rabba: dalawang bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.Select Joshua 15:60
61Sa ilang; Beth-araba, Middin, at Sechacha;Select Joshua 15:61
62At Nibsan, at ang Bayan ng Asin, at En-gedi: anim na bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.Select Joshua 15:62
63At tungkol sa mga Jebuseo na mga taga Jerusalem ay hindi napalayas ng mga anak ni Juda: kundi ang mga Jebuseo ay nanahang kasama ng mga anak ni Juda sa Jerusalem hanggang sa araw na ito.Select Joshua 15:63
Ang Dating Biblia (1905) (TAGALOG) · Public Domain