Joshua 19
Ang Dating Biblia (1905)
Translation: TAGALOG
1At ang ikalawang kapalaran ay napasa Simeon, sa lipi ng mga anak ng Simeon ayon sa kanilang mga angkan: at ang kanilang mana ay nasa gitna ng mana ng mga anak ni Juda.Select Joshua 19:1
2At kanilang tinamo na pinakamana ang Beerseba, o Seba, at Molada;Select Joshua 19:2
3At Hasar-sual, at Bala, at Esem;Select Joshua 19:3
4At Heltolad, at Betul, at Horma;Select Joshua 19:4
5At Siclag, at Beth-marchaboth, at Hasarsusa,Select Joshua 19:5
6At Beth-lebaoth, at Saruhen: labing tatlong bayan pati ng mga nayon niyaon:Select Joshua 19:6
7Ain, Rimmon, at Eter, at Asan, apat na bayan pati ng mga nayon niyaon:Select Joshua 19:7
8At ang lahat ng mga nayon na nasa palibot ng mga bayang ito hanggang sa Baalathbeer, Ramat ng Timugan. Ito ang mana ng lipi ng mga anak ni Simeon ayon sa kanilang mga angkan.Select Joshua 19:8
9Mula sa bahagi ng mga anak ni Juda ang mana ng mga anak ni Simeon: sapagka't ang bahagi ng mga anak ni Juda ay totoong marami sa ganang kanila; kaya't ang mga anak ni Simeon ay nagkaroon ng mana sa gitna ng kanilang mana.Select Joshua 19:9
10At ang ikatlong kapalaran ay napasa mga anak ni Zabulon ayon sa kanilang mga angkan. At ang hangganan ng kanilang mana ay hanggang sa Sarid:Select Joshua 19:10
11At ang kanilang hangganan ay pasampa sa dakong kalunuran sa Merala, at abot sa Dabbeseth at mula roo'y abot sa batis na nasa harap ng Jocneam,Select Joshua 19:11
12At paliko mula sa Sarid sa dakong silanganan na dakong sinisikatan ng araw hanggang sa hangganan ng Chisiloth-tabor, at palabas sa Dabrath, at pasampa sa Japhia;Select Joshua 19:12
13At mula roon ay patuloy sa dakong silanganan sa Gith-hepher, sa Ittakazin; at palabas sa Rimmon na luwal hanggang sa Nea:Select Joshua 19:13
14At ang hangganan ay paliko sa hilagaan na patungo sa Hanaton: at ang labasan niyaon ay sa libis ng Iphta-el;Select Joshua 19:14
15At sa Catah, at sa Naalal, at sa Simron, at sa Ideala, at sa Bethlehem: labing dalawang bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.Select Joshua 19:15
16Ito ang mana ng mga anak ni Zabulon ayon sa kanilang mga angkan, ang mga bayang ito pati ng mga nayon ng mga ito.Select Joshua 19:16
17Ang ikaapat na kapalaran ay napasa Issachar, sa mga anak ni Issachar ayon sa kanilang mga angkan.Select Joshua 19:17
18At ang kanilang hangganan ay hanggang sa Izreel, at Chesulloth, at Sunem,Select Joshua 19:18
19At Hapharaim, at Sion, at Anaarath,Select Joshua 19:19
20At Rabbit, at Chision, at Ebes,Select Joshua 19:20
21At Rameth, at En-gannim, at En-hadda, at Beth-passes,Select Joshua 19:21
22At ang hangganan ay abot sa Tabor, at Sahasim, at sa Beth-semes; at ang mga labasan ng hangganan ng mga yaon ay sa Jordan: labing anim na bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.Select Joshua 19:22
23Ito ang mana ng lipi ng mga anak ni Issachar ayon sa kanilang mga angkan, ang mga bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.Select Joshua 19:23
24At ang ikalimang kapalaran ay napasa lipi ng mga anak ni Aser ayon sa kanilang mga angkan.Select Joshua 19:24
25At ang kanilang hangganan ay Helchat, at Hali, at Beten, at Axaph,Select Joshua 19:25
26At Alammelec, at Amead, at Miseal; at abot sa Carmel na dakong kalunuran at sa Sihorlibnath;Select Joshua 19:26
27At paliko sa dakong sinisikatan ng araw sa Beth-dagon, at abot sa Zabulon, at sa libis ng Iphta-el na dakong hilagaan sa Beth-emec at Nehiel; at palabas sa Cabul sa kaliwa.Select Joshua 19:27
28At Hebron, at Rehob, at Hammon, at Cana, hanggang sa malaking Sidon,Select Joshua 19:28
29At ang hangganan ay paliko sa Rama, at sa bayang nakukutaan ng Tiro; at ang hangganan ay paliko sa Hosa, at ang mga labasan niyaon ay sa dagat mula sa lupain ni Achzib;Select Joshua 19:29
30Gayon din ang Umma, at Aphek, at Rehob: dalawang pu't dalawang bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.Select Joshua 19:30
31Ito ang mana ng lipi ng mga anak ni Aser ayon sa kanilang mga angkan, ang mga bayang ito pati ng mga nayon ng mga ito.Select Joshua 19:31
32Ang ikaanim na kapalaran ay napasa mga anak ni Nephtali, sa mga anak ni Nephtali ayon sa kanilang mga angkan.Select Joshua 19:32
33At ang kanilang hangganan ay mula sa Heleph, mula sa encina sa Saananim, at sa Adamineceb, at sa Jabneel, hanggang sa Lacum; at ang mga labasan niyaon ay sa Jordan;Select Joshua 19:33
34At ang hangganan ay paliko sa dakong kalunuran sa Aznot-tabor, at palabas sa Hucuca mula roon; at abot sa Zabulon sa timugan, at abot sa Aser sa kalunuran, at sa Juda sa Jordan na dakong sinisikatan ng araw.Select Joshua 19:34
35At ang mga bayang nakukutaan ay Siddim, Ser, at Hamath, Raccath, at Cinneret,Select Joshua 19:35
36At Adama, at Rama, at Asor,Select Joshua 19:36
37At Cedes, at Edrei, at En-hasor,Select Joshua 19:37
38At Iron, at Migdalel, Horem, at Beth-anath, at Beth-semes: labing siyam na bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.Select Joshua 19:38
39Ito ang mana ng lipi, ng mga anak ni Nephtali ayon sa kanilang mga angkan, ang mga bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.Select Joshua 19:39
40Ang ikapitong kapalaran ay napasa lipi ng mga anak ni Dan ayon sa kanilang mga angkan.Select Joshua 19:40
41At ang hangganan ng kanilang mana ay Sora, at Estaol, at Ir-semes,Select Joshua 19:41
42At Saalabin, at Ailon, at Jeth-la,Select Joshua 19:42
43At Elon, at Timnath, at Ecron,Select Joshua 19:43
44At Elteche, at Gibbethon, at Baalat,Select Joshua 19:44
45At Jehul, at Bene-berac, at Gatrimmon,Select Joshua 19:45
46At Me-jarcon, at Raccon pati ng hangganan sa tapat ng Joppa.Select Joshua 19:46
47At ang hangganan ng mga anak ni Dan ay palabas sa dako roon ng mga yaon; sapagka't ang mga anak ni Dan ay sumampa at bumaka laban sa Lesem, at sinakop at sinugatan ng talim ng tabak, at inari at tumahan doon, at tinawag ang Lesem, na Dan, ayon sa pangalan ni Dan, na kanilang ama.Select Joshua 19:47
48Ito ang mana ng lipi ng mga anak ni Dan ayon sa kanilang mga angkan, ang mga bayang ito pati ng mga nayon ng mga yaon.Select Joshua 19:48
49Gayon kanilang tinapos ang pagbabahagi ng lupain na pinakamana ayon sa mga hangganan niyaon; at binigyan ng mga anak ni Israel ng mana si Josue na anak ni Nun sa gitna nila:Select Joshua 19:49
50Ayon sa utos ng Panginoon ay kanilang ibinigay sa kaniya ang bayang kaniyang hiningi, ang Timnath-sera sa lupaing maburol ng Ephraim: at kaniyang itinayo ang bayan at tumahan doon.Select Joshua 19:50
51Ito ang mga mana na binahagi ni Eleazar na saserdote at ni Josue na anak ni Nun, at ng mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang ng mga lipi ng mga anak ni Israel na pinakamana, sa pamamagitan ng pagsasapalaran sa Silo sa harap ng Panginoon sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan. Gayon nila niwakasan ang pagbabahagi ng lupain.Select Joshua 19:51
Ang Dating Biblia (1905) (TAGALOG) · Public Domain