Skip to content
Church.wiki
Lamentations

Lamentations 5

Tagalog, Ang Dating Biblia (1905)

Translation: TAGALOG

Modern translations such as the NIV or ESV are not available yet. They need a license, and we will add them when one is in place. All translations and their sources

Start reading

1Iyong alalahanin, Oh Panginoon, kung anong dumating sa amin: iyong masdan, at tingnan ang aming pagkadusta.Select Lamentations 5:1

2Ang aming mana ay napasa mga taga ibang lupa, ang aming mga bahay ay sa mga taga ibang bayan.Select Lamentations 5:2

3Kami ay mga ulila at walang ama; ang aming mga ina ay parang mga bao.Select Lamentations 5:3

4Aming ininom ang aming tubig sa halaga ng salapi; ang aming kahoy ay ipinagbibili sa amin.Select Lamentations 5:4

5Ang mga manghahabol sa amin ay nangasa aming mga leeg: kami ay mga pagod, at walang kapahingahan.Select Lamentations 5:5

6Kami ay nakipagkamay sa mga taga Egipto, at sa mga taga Asiria, upang mangabusog ng tinapay.Select Lamentations 5:6

7Ang aming mga magulang ay nagkasala at wala na; At aming pinasan ang kanilang mga kasamaan.Select Lamentations 5:7

8Mga alipin ay nangagpupuno sa amin: walang magligtas sa amin sa kanilang kamay.Select Lamentations 5:8

9Aming tinatamo ang aming tinapay sa pamamagitan ng kapahamakan ng aming buhay, dahil sa tabak sa ilang.Select Lamentations 5:9

10Ang aming balat ay maitim na parang hurno, dahil sa maningas na init ng kagutom.Select Lamentations 5:10

11Kanilang dinahas ang mga babae, sa Sion, ang mga dalaga sa mga bayan ng Juda.Select Lamentations 5:11

12Ang mga prinsipe ay nangabibitin ng kanilang kamay: ang mga mukha ng mga matanda ay hindi iginagalang.Select Lamentations 5:12

13Ang mga binata ay nangagpapasan ng gilingan, at ang mga bata ay nangadudulas sa lilim ng kahoy.Select Lamentations 5:13

14Ang mga matanda ay wala na sa pintuang-bayan. Ang mga binata'y wala na sa kanilang mga tugtugin.Select Lamentations 5:14

15Ang kagalakan ng aming puso ay naglikat; ang aming sayaw ay napalitan ng tangisan.Select Lamentations 5:15

16Ang putong ay nahulog mula sa aming ulo: sa aba namin! sapagka't kami ay nangagkasala.Select Lamentations 5:16

17Dahil dito ang aming puso ay nanglulupaypay; dahil sa mga bagay na ito ay nagdidilim ang aming mga mata;Select Lamentations 5:17

18Dahil sa bundok ng Sion na nasira; nilalakaran ng mga zora.Select Lamentations 5:18

19Ikaw, Oh Panginoon, nananatili magpakailan man: ang iyong luklukan ay sa sali't saling lahi.Select Lamentations 5:19

20Bakit mo kami nililimot magpakailan man, at pinababayaan mo kaming totoong malaon?Select Lamentations 5:20

21Manumbalik ka sa amin, Oh Panginoon, at kami ay manunumbalik: baguhin mo ang aming mga araw na gaya nang una.Select Lamentations 5:21

22Nguni't itinakuwil mo kaming lubos, ikaw ay totoong napoot sa amin.Select Lamentations 5:22

Next: Ezekiel 1Continue reading

Tagalog, Ang Dating Biblia (1905) (TAGALOG). Public domain. Text from the CrossWire Bible Society module. About this translation

Reading settings

Choose a passage

Old Testament

New Testament

Lamentations

Selected verses

Select another verse to extend the range.

Highlight

My Bible

About this name

Listen

Uses an English voice provided by your browser.